Thursday , June 25 2026
Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Senior Citizen alagang “Krystall Herbal Oil”at “Krystall B1B6” kailangan laban sa pneumonia

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Magandang araw po sa inyong lahat.

         Hindi na po talaga maganda ang panahon ngayon. Kapag nasa loob ka ng bahay mainit, kung gusto mong maging komportable magbubukas ka ng aircon. Kapag lumabas ka naman, grabe ang alinsangan at init kahit dapat e taglamig pa.

         Ako po si Constancia De Lima, 64 years old, naninirahan dito sa Valenzuela City, isa po akong retiradong government worker.

         Kaya ako nga po, para maging maayos ang aking kalulsugan ay talagang alagang FGO products lalo ng Krystall Herbal Oil at Krystall B1B6, lalo nang biglang mabalita na si San Chai, ng Meteor Garden ay namatay dahil sa pneumonia sa edad na 46 years old.

         Alaga ko pong ipahaplos ng Krystall Herbal Oil ang aking likuran, kasi kapag mainit at pinawisan ako, tutulo lang ang pawis at hindi maa-absorb ng skin ko. Kapag malamig naman, proteksiyon din ang herbal oil dahil hinaharang niya ang lamig na makapasok sa loob ng katawan o sa pulmonya.

         Ang Krystall Vitamins B1B6 ay dagdag resistensiya sa isang senior citizen na kagaya ko.

         Kaya mga Ka-Krystall ko riyan, mag-imbak na ng mgg produktong FGO/Krystall, huwag nang hintaying magkasakit bago pangalagaan ang kalusugan.

         Maraming salamat po Sis Fely sa inyong walang sawang pangangalaga sa aming mga tagasubaybay at suki ninyo.

         Lagi kayong pagpalain, siksik, liglig ni Yahweh El Shaddai. Amen. Salamat po.

CONSTANCIA DE LIMA

Valenzuela City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …