Thursday , June 4 2026
Krystall Herbal Oil

Retiradong empleyado, laging may stocks na Krystall Herbal Oil para sa kalusugan

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         A blessed Monday po sa inyong lahat.

         Ako po si Juanita Almario, 61 years old, retiradong empleyado sa private sector, naninirahan sa Pasay City. Sa kasalukuyan po ay naglalakad ako ng mga papeles ko para sa aking pension.

         Gusto ko pong i-share na ako’y matagal nang gumagamit ng Krystall Herbal Oil. Lagi po akong may stocks nito kasi nga malaking tulong sa maraming   bagay kung pangangalaga sa kalusugan ang pag-uusapan.

         Ako naman po ay laking lola kaya alam ko ang alagang lola. Kaya naman hanggang ngayon, nakasanayan ko nang maghaplos ng Krystall Herbal Oil sa aking talampakan, binti, sa braso, sa tiyan, sa likod, at sa aking ulo.

         Minsan po’y may naghahaplos sa akin pero mas madalas ay wala kaya inaayos ko po ang sistema para makapaghaplos ako maigi.

         Kapag hindi po kasi ako nakapaghahaplos ng Krystall Herbal Oil parang may kulang sa buhay ko kaya maghapon akong hindi mapanatag.

         Malaking kaigihan po sa akin kasi sa kabila na ako’y may hypertension ay hindi namamaga ang aking mga paa, daliri, at pinakikiramdaman ko po pati ang aking dibdib.

         Ay malaking bagay po talaga Sis Fely. Kaya  ako po’y labis na nagpapasalamat sa inyo, at sa Almighty God sa patuloy niyang pagpapala sa inyo.

         God bless you even more.

JUANITA ALMARIO

Pasay City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …