Thursday , June 4 2026
Krystall Herbal Oil

Nagsugat na warts sa ulo natuyo sa Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Ako po si Marita de Jesus, 68 years old,  retiradong government employee, at kasalukuyang naninirahan sa isang government housing project sa Quezon City kasama ang pamilya ng isang anak ko.

               Nais ko lang pong i-share sa inyo ang hindi ko maintindihang pagtubo ng tila nunal o warts sa aking ulo. Makati po itong masyado, at tuwing nakakamot ko ay may natatanggal na skin pero nagsusugat at matagal gumaling. Hindi naman nagnanaknak kapag naging sugat, natutuyo naman, kaya lang talagang makati.

               Sa isang samahan ng mga senior citizens, may nakapagbanggit sa akin na subukan ko raw gamitin ang Krystall Herbal Oil. I-apply ko raw ito after kong maligo.

Sa madaling sabi po, sinunod ko ang payo ng isang kapwa senior citizen.

               Sa unang araw, pinagtiyagaan ko talagang lagyan ng Krystall Herbal Oil ang mga nagsugat na warts. Kailangan kong gumamit ng swab dahil hindi makabubuti na hawakan.

               Halos isang lingo ko nang ginagamit ang Krystal Herbal Oil, sa umaga at sa gabi po ako naglalagay, hanggang napansin ko, hindi na nangangati ang ulo ko. Napansin ko rin na kusang natuyo ang mga warts at nalalaglag na lang na parang dry skin kapag nagsusuklay ako. At dalawang lilnggo pa ang lumipas, halos wala nang bakas ang mga warts.

               Tuwang-tuwa po ako at ikinuwento ko agad sa kapwa senior citizen na nag-share sa akin. Maraming-maraming salamat po Sis Fely. Kung hindi dahil sa imbensiyon Ninyo, hindi matatapos ang problema kong ito.

               Thank you so much.

MARITA DE JESUS

Quezon City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …