Wednesday , May 1 2024
Krystall Herbal Oil
Krystall Herbal Oil

Kati-kati sa braso tanggal sa Krystall Herbal Oil ng FGO

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Charisse Buenavista, 28 years old, isang promodiser, at naninirahan sa Valenzuela City.

         Bilang promodiser po, kailangan lagi kaming good looking at very presentable. Ang madalas ko pong isinusuot ay blouse na sleeveless para po komportable at mabilis ang pagkilos. At dahil po deodorizer ang product namin, plus factor na makita ng clients o mamimili na malinis at maputi ang armpit (kilikili) namin.

         Wala naman akong reklamo sa trabaho pero isang araw nagulat na lang ako kasi biglang may tumubong mga butlig at kati-kati sa aking braso hanggang sa balikat. E di ang sagwa kasi nga po lagi akong naka-sleeveless.

         Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga butlig-butlig, pero bago pa ako mamroblema nang matagal, isang bote ng Krystall Herbal Oil ang  ibinigay sa akin ni nanay at sinabing linisan ko ang aking braso saka ihaplos ang ‘miracle oil.’

         Noong una ay nag-atubuli pa ako, pero nang maamoy ko ang Krystall Herbal Oil, naeeenganyo na rin ako. Nagpunta ako sa banyo at nilinisan ng sabon ang aking braso. Tinuyo ko ng tuwalya saka dinampian ng Krystall Herbal Oil.

         Siyempre paggising ko noong umaga, ‘yung braso ko agad ang tiningnan ko, aba parang nabawasan ang butlig. Isa pa, naalala ko, bago ako matulog, nabawasan ang pangangati sa braso ko.

         Bago ako pumasok ay inulit ko ang paglilinis sa aking braso. Pagdating ko sa trabaho marami agad ang nakapansin na parang nanunuyo na raw ang butlig at kati-kati na noong isang araw lang ay pulang-pula. 

         Ay talagang napakalaki po ng aking pasasalamat.

         Maraming, maraming salamat po Sis Fely, ngayon po ay panatag na ako. At talagang bilib na bilib ako sa husay at galing ng Krystall Herbal Oil.

         Mabuhay po!

CHARISSE BUENAVISTA,

Valenzuela City

About Fely Guy Ong

Check Also

Alfonso Brandy Alfie Alley FEAT

Alfonso Brandy’s Alfie Alley Year 2 Launch Concludes with Grand Success, Setting the Stage for Nationwide Expansion

LAST Friday night, Pop Up Katipunan was the scene of another milestone gathering as over …

Mr DIY Holi-DIY Spend and Win raffle promo Winners

Mr.DIY awards grand prize winner of the Holi-DIY Spend and Win raffle promo

MR.DIY, the go-to destination for big and small home improvement Familyhan needs, in partnership with …

Dave Almarinez Ara Mina

Dave suportado showbiz career ng asawang si Ara; naglunsad ng bagong ride-hailing app

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SUPORTADO ni Dave Almarinez ang showbiz career ng kanyang asawang si Ara Mina. …

gun shot

Nurse, 1 pa todas
SENGLOT NA SEKYU SUMEMPLANG 2 TUMULONG PINAGBABARIL

ISANG nurse at isang pang lalaki ang namatay sa pamamaril ng lasing na rider, nang …

road accident

7-anyos, nanay, 1 pa patay, 17 sugatan sa bus na nawalan ng preno

PATAY ang tatlo katao kabilang ang isang 7-anyos na batang babae, ang kanyang nanay, at …