Thursday , July 25 2024
Cecille Bravo Pete Bravo Vilma Santos Christopher De Leon

Vilma, Boyet type gumanap ng matagumpay na negosyante sa telecommunication

MATABIL
ni John Fontanilla

SINA Vilma Santos at Christopher De Leon ang bet ng Vice President ng Intelle Builders and  Development Corporation at Philanthropist na si Cecille Bravo na gumanap bilang sila ng kanyang esposo at President ng Intelle na si Pete Bravo sakaling isasapelikula o ipalalabas sa Magpakailanman  ang kanilang buhay.

Para kay Madam Cecille, gusto nito si Vilma daw na bukod sa mahusay umarte at awardwinning actress ay pareho silang maputi at mahilig sumayaw. Samantalang  bukod din sa mahusay si Christopher ay moreno rin ito katulad ng kanyang asawang si Sir Pete. Alam ni Madam Cecille na mabibigayang justice nina Vilma at Boyet ang makulay na istorya ng kanilang buhay. Pero kailangan pa niyang isangguni sa asawa kung gusto itong isa pelikula o isa-telebisyon ang kanilang life story. 

Tsika nga ni Madam Cecille sa katatapos na grand launching ng Aspire Magazine Philippines na ang kanyang pamilya ang cover ng December issue na may theme na Paskong Pinoy, “Gusto ko Vilma Santos na gumanap bilang ako, dahil bukod sa magaling na artista si Ate Vi, pareho kaming  maputi at mahilig sumayaw.

“Habang gusto ko naman si Christopher dahil magaling siyang aktor at katulad ng asawa ko pareho silang moreno and alam kong maibibigyan nina ate Vi at Christopher ng justice ang aming life story.”

Very inspiring at talaga namang kapupulutan ng aral ang journey ng buhay nina Madam Cecille at Sir Pete, na mula sa kanilang pag-uumpisa ng kanilang negosyo ay nakaranas sila ng hirap at nang dahil sa kanilang pagsisikap, tiyaga na sinamahan ng dasal sa Poong Maykapal na umani ng tagumpay sa kanilang negosyo pagkaraan ng ilang taon.

Kaya naman sa paglago ng kanilang negosyo katuwang ang kanilang mga anak na sina Jeru, Maricris, Miguel, at Matthew ay maraming mga kababayan natin mula bata hangang matanda ang kanilang tinutulungan, bilang pasasalamat na rin sa blessings na ibinibigay sa kanila ng Diyos.

At  sa pagpasok ng 2023 ay hiling ni Madam Cecille na magpatuloy pa ang paglago ng kanilang negosyo para mas marami pang kababayan natin ang kanilang matulungan.

About John Fontanilla

Check Also

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Dustin Yu

Dustin Yu speechless itinanghal na New Male Movie Actor

MATABILni John Fontanilla HINDI maipaliwanag ng Sparkle artist na si Dustin Yu ang sayang naramdaman sa pagkapanalo sa 40th PMPC …

Aiko Melendez 40th PMPC Star Awards for Movies

Aiko wagi ng 2 special awards sa 40th Star Awards for Movies

MATABILni John Fontanilla MISTULANG big winner na rin sa gabi ng 40th PMPC Star Awards for …