Saturday , October 1 2022
Kit Thompson

Kit Thompson emosyonal, nagpasalamat sa 3:16 Events 

ni GLEN P SIBONGA

PUNO ng emosyong nagpasalamat si Kit Thompson kina Len Carillo ng 3:16 Events and Talent Management, Direk Carlo Obispo at sa lahat ng bumubuo sa pelikulang Showroom para sa pagtitiwala at pagkakataong muling makapagtrabaho pagkatapos ng mga pinagdaanan niyang mga kontrobersiya lalo na ‘yung may kaugnayan sa kanyang dating karelasyon na si Ana Jalandoni.

Sa storycon at presscon ng Showroom na ginanap sa Iago’s Restaurant noong Agosto 30, unang natanong si Ms. Len bilang production unit head at producer ng pelikula kung hindi ba siya nagdalawang-isip o nagkaroon ng apprehension na kunin si Kit.

Hindi eh. Actually, first choice namin talaga siya,” bulalas ni Ms. Len. “Actually, may second movie na nga agad siya sa amin eh kung tatanggapin niya. The one with Adolf (Alix). Kasi si Kit magaling talaga iyan. Magaan pang katrabaho si Kit.”

Maging si Direk Carlo ay maganda rin ang naging pahayag para kay Kit. “Noong malaman ko na kasama si Kit, pina-block ko na agad ang schedule niya para malaman namin kung pwede na siyang makapag-lock in (shooting). Excited na rin akong makatrabaho siya. Noong sinabi sa akin na si Kit, walang duda-duda. Gusto ko siyang makatrabaho.”

Aminado naman si Kit na na-touch siya sa mga narinig niyang mga papuri at magagandang pahayag tungkol sa kanya. 

Siyempre thankful ako na may mga tao pa rin na… you know, na tinitignan pa rin kung paano ako magtrabaho, na actually nakasama ako at nakita ako kung paano ako (magtrabaho). So, nakaka-touch, nakatutuwa. Kasi alam mo mahirap kasi…ang hirap lang to think na…hindi ko ma-articulate ang sarili ko. Pero ‘yung nga naroon pa rin na may mga taong naniniwala sa iyo. And it inspires me to do better and be better to myself and to everyone. So, thank you so much to everyone. Thank you to Nay Len, kay Direk, kay Dennis (Evangelista, producer), kay Quinn (Carillo, scriptwriter at lead actress sa movie), my management. So, I’m thankful and grateful that I am back.”

Inamin din ni Kit na nagdasal siya para muling makabalik sa showbiz at magkaroon ng trabaho.  “Actually, pinagdasal ko nga ito eh, like a week ago or something. Napapaisip ako, nagdasal ako, and sabi ko, just give me something. So, eto dumating. I thank the Lord na hindi ako pinabayaan. ‘Yun, I’m thankful.”

Makakasama rin nina Kit at Quinn sa cast ng Showroom sina Emilio Garcia, Rob Guinto, Mon Mendoza, Marc Dionisio, AJ Oteyza, Paolo Rivero, Massimo Scofield, Itan Rosales, Nico Loco, Calvin Reyes, Richard Solano, Aaron Conception, Elmo Elarmo, at marami pang iba.

Ang Showroom ay sa ilalim ng produksiyon ng 3:16 Media Network at Viva Films.

About Glen Sibonga

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …