Friday , June 14 2024
Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo nag-renew ng contract sa Beautederm; Pinasaya ang mga dumalo sa Franchisee Ball

ni Glen P. Sibonga

IPINAGMALAKI ng Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan ang pag-renew ng kontrata bilang brand ambassador ng Ultimate Heartthrob and leadingman na si Piolo Pascual.

Noong Miyerkoles, Agosto 17, sumabak si Piolo sa panibagong pictorial kasabay ng renewal of contract for another year sa Beautederm. 

Ipinasilip ni Ms. Rhea sa kanyang ipinost na videos at pictures sa Facebook at Instagram ang ilang eksena sa pictorial. Kasama ang caption na, “Thank you for today Team Piolo Pascual. Piolo signed another One Year Contract with  #BEAUTéDERM !   This is His 3rd Year with us! Kahit sobrang Bz Yan He takes time to post our prooducts! Salamat sa pagmamahal sa aking  munting kumpanya Piolo! Description: 🥰 I really appreciate it. #BeautédermAmbassador #PioloPascualForBeautederm”

Ine-endorse ni Piolo ang Beautederm Beau Charcoal Soap. Sa isang post nga niya sa social media para i-promote ang product sinabi niya na, “I never go to bed without freshening-up with BEAUTéDERM Beau Charcoal Soap from its Spruce & Dash Collection!

“BEAU Charcoal Soap gives an amazing deep cleanse due to activates charcoal, removing all unwanted excess oil and dirt from the skin.”

Samantala, bago ang renewal of contract nauna nang pinasaya ni Piolo ang mga dumalo sa ginanap na Beautederm Franchisee Ball 2022 sa Clark Marriott Hotel.

Talaga namang pinagkaguluhan si Piolo ng mga Beautederm store owners at franchisees nang haranahin niya ang mga ito sa espesyal na gabi na bahagi ng selebrasyon ng 13th anniversary ng Beautederm.

Kaya naman lubos ang pasasalamat ni Ms. Rhea kay Piolo. “Thank you Piolo Pascual 

For making our Franchisee Ball all the more  memorable”

Dumalo rin sa naturang Franchisee Ball ang iba pang Beautederm celebrity ambassadors at ang iba ay nag-perform pa. Kabilang dito sina Sylvia Sanchez, Gabby Concepcion, Jelai Andres, Kakai Bautista, Pauline Mendoza, Sherilyn Reyes Tan, Alma Concepcion, Luke Mijares, Maricel Morales, Ryle Santiago, Ejay Falcon, at Jana Roxas. Naging guest speaker naman si Ms. Korina Sanchez-Roxas sa Franchisee Conference.

About Glen Sibonga

Check Also

Xian Lim Sanya Lopez Coleen Garcia Faye Lorenzo

Playtime ng GMA at Viva mapapanood na

RATED Rni Rommel Gonzales MAPAPANOOD na ang pinakaaabangang pelikula ng GMA Pictures at Viva Films na  Playtime starring Sanya Lopez, Coleen Garcia, …

Kapuso Fans Day Independence

Kapuso stars lilibutin ang ‘Pinas sa Araw ng Kalayaan

RATED Rni Rommel Gonzales TIYAK na memorable at espesyal ang paggunita sa Araw ng Kalayaan …

Jed Madela

Jed Madela inabangan, kinagiliwan sa Phil Expo Tokyo 2024

HARD TALKni Pilar Mateo PINAINIT ni Jed Madela ang mga kababayan nating nanood sa kanyang appearance sa …

Pulang Araw

Pulang Araw ng GMA mauunang mapanood sa Netflix

I-FLEXni Jun Nardo UNANG mapapanood sa streming app na Netflix ang GMA series na Pulang Araw bago sa free TV ng …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …