Monday , May 16 2022
Yohan Castro Ate Gay

Yohan Castro flattered na natipuhan ni Ate Gay

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

MASAYANG-MASAYA ang nagbabalik-showbiz na si Yohan Castro dahil muli siyang nakapag-perform sa harap ng live audience sa Music Box bilang isa sa guest singers sa COVID Out, Ate Gay In concert na inorganisa ng The Entertainment & Arts Media (TEAM) kamakailan.

Muling nabuhay ang mga entertainment venues at comedy bars tulad ng Music Box sa pagluluwag ng restrictions kahit pandemya pa rin.

I’m overwhelmed po na nakapag-perform po ulit ako sa ganito na maraming nanonood, maraming natutuwang tao sa performance namin. At saka it’s a big achievement na rin na makasama ko sa show ‘yung mga sikat na artists katulad na lang ni Ate Gay. Tapos nakasama ko pa si Regina Otic na ka-batch ko po sa ‘Protege’ ng GMA-7,” sabi ni Yohan nang ma-interview namin siya.

Flattered naman si Yohan na natipuhan siya ni Ate Gay at tinawag pa siya sa stage para maka-duet.

“Nakatutuwa si Ate Gay na talagang sinuportahan niya ako sa stage while I’m singing and we’re having a duet,” ani Yohan.

Ano naman ang masasabi niya na naguwapuhan sa kanya at humanga sa talento niya si Ate Gay? Okay lang ba sa kanya na naging crush ng bading?

“Naku, wala pong isyu sa akin na ma-crush-an ako ng bading. Actually, I’m flattered nga ‘pag may nagsasabing guwapo ako at magaling kumanta kahit anong gender pa. At saka si Ate Gay ‘yun, kaya it’s a big honor at nakaka-proud na matipuhan niya.”

Nagpapasalamat naman si Yohan sa TEAM sa pagkuha sa kanya bilang isa sa guests ng show ni Ate Gay. Thankful din siya sa full support ng kanyang manager na si Arthur Cruzada pati na ng kanyang family and friends sa Queen Eva Salon at Luminisence.

Samantala, nadagdagan na naman ang ineendoso ni Yohan matapos siyang kuning ambassador ng Marah Dalciano Hotel and Resort sa Alfonso, Cavite.

Magiging abala na rin siya sa kanyang upcoming album and concert. Pinaghahandaan din niya ang pagsabak sa acting bukod sa singing. 

About Glen Sibonga

Check Also

Aiko Melendez Marthena Melendez Jickain

Aiko Melendez, perfect example ng isang tunay na public servant

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG araw matapos maiproklama bilang Konsehal ng 5th District ng …

Angeli Khang Vince Rillon Pusoy

Pusoy ng Vivamax, parang Pinoy version ng Fifty Shades of Grey — Angeli Khang

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABIS ang pasasalamat ni Angeli Khang sa Viva sa mga …

Mahal

Fans ni Mahal nakasuporta pa rin kahit wala na ang komedyante

MA at PAni Rommel Placente AMINADO si Luy, bunsong kapatid ng namayapang komedyana na si Mahal, na …

Aiko Melendez Oplan Baklas

Oplan Baklas ni Konsi Aiko kapuri-puri

MA at PAni Rommel Placente ISA si Aiko Melendez sa pinalad na manalo sa nagdaang eleksiyon bilang …

Robin Padilla Aljur Abrenica

Aljur kay Robin — He deserves to be number one, he has a heart

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT about the (ex?) son-in-law na si Aljur Abrenica? Tinanong ko si …