Saturday , May 28 2022
Kris Aquino Angel Locsin

Kris ‘di natuloy umalis ng bansa; Pag-awat ni Angel premonition

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

INIHAYAG ni Kris Aquino sa kanyang komento sa isang post sa Instagram ng kaibigan niyang si Angel Locsinna hindi siya natuloy umalis ng Pilipinas at pumunta sa abroad para sa kanyang medical treatments.

Hindi pinahintulutan ng doktor niya si Kris na bumiyahe pa-abroad dahil mataas ang blood pressure.

Sinabi pa ni Kris na tila naging premotion na hindi siya matutuloy umalis dahil sa pag-awat ni Angel.

Ayon kay Kris, “Gel, ikaw kasi, last night sinabi mo na, ‘Sana hindi ka pa makatuloy, Ate.’ I said, ‘Gel, please don’t be mean, you know kailangan na talaga.’ Then you said, ‘Sorry Ate, selfish ako, di pa ‘ko ready mag-let go.’

“Grabe your gift of… I don’t know if premonition or pang-awat. True enough nasa airport na si Kuya Josh, Bimb, and Rochelle. My doctors didn’t clear me to travel, 140/92 waking BP, 136/93 pa rin until now… Hindi ko kakayanin ‘yung long- haul flight.

“Nag- asthma attack last night, more than 6 weeks of chronic sinusitis, (buti) na lang sobra-sobra ang pagkabilib at pag-love ko sa ‘yo. But please, makakadalaw ka naman, di ba?”

Nag-reply naman si Angel sa komento ni Kris, humingi ng paumanhin at sinabing bibisitahin ang kaibigan.

“OMG ate, sorry! Nandito pa ako sa Cebu, ate! Visit kita agad,” reply ni Angel kay Kris.

About Glen Sibonga

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …

Jomari Yllana, Abby Viduya, Priscilla Almeda

Abby masaya sa pagwawagi ni Jomari

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Abby Viduya sa pagkapanalo ni Jomari Yllana bilang councilor ng District 1 ng  Parañaque. …