Wednesday , April 24 2024
Kris Aquino

Kris Aquino magtatagal sa abroad para sa medical treatments

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NAKATAKDA nang umalis si Kris Aquino papunta sa abroad at mananatili siya roon nang matagal para sa kanyang medical treatments at procedures kaugnay ng kanyang autoimmune disease.

Ito ang inihayag ni Kris sa kanyang komento sa isa sa birthday posts ng kanyang kaibigang si Regine Velasquez-Alcasid. Kasama rin sa kanyang mensahe ang pagsasabi kay Regine na may ipinadala siyang thank you gift para sa kanila ni Ogie Alasid. Ipinaliwanag din ni Kris ang late na pagbati sa kaarawan ni Songbird.

Ayon kay Kris, “May hinanda akong THANK YOU from our family for you & pareng Ogie — honestly I need to ask my sisters if it ever reached you — because Alvin (your #1 fan) took care of everything — he’s on leave now because his mom is in the hospital. Mare sorry if my greeting is late — we leave in a few days and we’ll be gone for more than a year for my medical treatments. Medyo overwhelming. Thank you dumalaw si Jas & Darla and they told me sobrang consistent kayo ni Pare asking kung kamusta ako.”

Nagpaabot naman ng get well soon messages at prayers para kay Kris ang fans at followers ni Regine.

About Glen Sibonga

Check Also

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Blind Item, Men

Male starlet ‘sumisingaw’ na videos kasama ng mga customer na bading

ni Ed de Leon MAGANDA ang sideline ng isang male starlet. Tambay lang siya sa isang watering …

Kristine Hermosa Jericho Rosales

Kristine ‘di feel makatrabaho si Jericho

HATAWANni Ed de Leon BAKIT parang bantulot si Kristine Hermosa nang sabihin sa kanyang gusto siyang makasamang …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel bumaba ang TF nang mahiwalay kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NATATAWA kami noong isang araw sa isang blog, na nagsasabi kung …

Vilma Santos

Ate Vi karapat-dapat tanghaling National Artist

HATAWANni Ed de Leon HINDI naghahabol si VIlma Santos na matawag siyang National Artist. Katunayan,  sa tuwing sasabihin …