Sunday , May 29 2022
Kit Thompson Ana Jalandoni

Kit mabigat ang kasong kinakaharap

HATAWAN
ni Ed de Leon

MABIGAT ang kasong isinampa laban kay Kit Thompson, na dahil nga siguro sa kalasingan at matinding selos ay inumbag nang todo ang syota niyang si Ana Jalandoni. Sinampahan siya ng kasong violence against women, kasabay pa ng serious physical injuries. Maaari namang

maglagak ng piyansa si Kit habang dinidinig ang kaso. Hindi siya kailangang maghimas ng rehas nang matagal, pero mabigat iyan.

Kung lalabas na guilty, iyan ay may parusang prision correccional na 4 hanggang 8 taong kulong, o prision mayor na 6 hanggang 12 taon sa hoyo. Baka ni sa hinagap hindi niya naisip na aabot siya sa ganoon. Ngayon kung magkakasundo silang muli ng syota niyang si Ana, at lalabas na ang nangyari ay “carino brutal”

lamang, gagaan iyan. Maaaring pagmultahin na lang siya.

Ang masakit lang, bagama’t hindi naman diretsahan, mukhang naghugas na ng kamay ang kanyang managers sa kaso. Nag-damage control na sila na hindi nila kukunsintihin iyan, na para nang sinabi

kay Kit na “bahala ka na sa buhay mo.” Kung tutuusin bilang managers, may obligasyon pa rin silang tulungan si Kit.

Ewan kung ano ang mangyayaring kasunod, pero kung mabilis na makapaglalagak ng piyansa si Kit, mas makabubuti sa kanya, dahil kung maibiyahe siya sa city jail, o sa provincial jail, hindi natin masasabing hindi rin siya  mauumbag habang nakakulong. Buti nga kung umbag lang ang abutin niya.

About Ed de Leon

Check Also

Baron Geisler Pusoy

Baron nahiya sa 7 daring scenes sa Pusoy; Kung kailan nag-40 at saka naghubad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PITONG sexy scenes ang sinalangan ni Baron Geisler sa Pusoy ng Vivamax na mapapanood na simula …

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …