Saturday , May 28 2022
Sharon Cuneta

Sharon natameme, ‘inupakan’ at inulan ng negative comments

HATAWAN
ni Ed de Leon

“GOOD vibes” na lang daw  at mukhang natameme si Sharon Cuneta nang ulanin ng mga basher at negative comments dahil sa sinabi niyang “kinilabutan” siya nang kantahin ng isang politiko ang kanyang kanta, at bilang singer daw niyon, papayagan lang niyang kantahin iyon sa rally ng mga kandidatong ine-endoso niya kabilang na nga ang kanyang asawa.

Hindi alam ni Sharon na nagbigay naman pala ng permiso ang Viva na siyang music publisher ng kanta. Ang isang artist na kagaya ni Sharon ay may karapatan lamang sa royalties batay sa kita ng kanyang version ng kanta. Wala siyang karapatan sa royalties nang kantahin iyon ni Jun Polistico. Tanging ang composer at lyricist ang may karapatan sa isang kanta dahil iyon ay tinatawag ngang intellectual property nila base sa PD 49. Nagkaroon din ng karapatan ang music publisher nang ipagkatiwala sa kanila ng composer ang kanta sa loob ng panahon na umiiral ang kanilang kasunduan, o habang panahon kung nagkaroon ng outright assignment of rights.

Ang isang singer ay hindi kailanman nagkaroon ng karapatang legal sa isang kanta, dahil singer nga lang siya niyon. Nang ipagbili nila ang minus one ng kanta, binigyan na nila ng karapatan ang mga nakabili niyon na kantahin din ang nasabing kanta. Paano mo ngayon pagbabawalan ang kumakanta niyon. Ang politiko ay wala sa listahan ng aming iboboto, pero hindi siya maaalisan ng karapatang kumanta kung gusto niya. Sumisigaw siya ng “freedom” noong ipasara ang ABS-CBN, ngayon sasabihin niyang bawal kantahin ang kantang nauna niyang kinanta kundi sa mga kandidato niya? Hindi ba double standards iyan? Noted ba?

About Ed de Leon

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Bongbong Marcos Sara Duterte Proclamation

Marcos – Duterte tandem iprinoklama na NBoC sa Kamara

ni Gerry Baldo Iprinoklama ng National Board of Canvassers ngayong hapon ang tandem nila Bong …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …