Friday , May 27 2022
Rhea Tan ContriBeaut Beaute On Wheels Beautederm Lorna Tolentino

Beaute On Wheels ng Beautederm umarangkada na

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

MASAYANG ibinalita ng Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan sa kanyang social media accounts ang pagsisimula at pag-arangkada ng bagong pet project ng Beautederm Corporation at ng advocacy arm nito na ContriBeaut—ang Beaute On Wheels.

Napili ni Ms Rhea na simulan ang Beaute On Wheels sa kanyang hometown sa Vigan, Ilocos Sur at sa alma mater niyang University of Northern Philippines. Nakasama pa niya ang isa sa ipinagmamalaking ambassadors ng Beautederm, ang Grandslam Queen na si Lorna Tolentino.

Ayon sa Facebook post ni Ms Rhea, “I’m so happy that the very first leg of Beauté On Wheels happened in my hometown – Vigan. I was so ecstatic to share & showcase Beautéderm to my fellow Ilocanos with no less than one of my dearest Brand Ambassadors — Grand Slam Queen, Ate Victoria Lorna Fernandez  Thank you UNP Vigan for your warm welcome! My Beloved Alma Mater! 

“Agyaman nak unay Sir Pres Erwin F. Cadorna   As education plays a key role in making our dreams come true. I formally announced  last Feb 25, that Beautéderm ‘s  advocacy arm Contribéaut is now accepting applications for our second batch of scholars.

“And  eyy!! I’m so pumped up to visit the next amazing destinations of Beauté On Wheels!

“Watch out for Beauté On Wheels guys — the next stop might be in your town! Excited and Grateful Much!”

Iyan ang nakabibilib sa Beautederm dahil hindi lang gumaganda physically ang mga tao sa paggamit ng mga produkto nito, pero nakatutulong din ang kompanya para mapaganda ang buhay ng marami nitong natutulungan sa ilalim ng ContriBeaut.

Bukod sa pagkakaroon nito ng scholars ay marami rin itong natulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng supplies sa health workers at frontliners gayundin sa pagbigay ng ayuda sa maraming nangangailangan nitong panahon ng pandemya.

About Glen Sibonga

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Cara Gonzales Ikaw Lang Ang Mahal

Cara Gonzales palaban bilang direktor na pokpok

HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba ‘yung pinanood ko? Ibang klase talaga itong si Direk Richard …

Sylvia Sanchez Lee Jung-jae

Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae

PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na …

Regine Velasquez Moira dela Torre Gary V Chito Miranda

Regine, Moira, Chito, at Gary mga hurado ng Idol Phils Season 2

NAGBABALIK ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Idol Philippines  sa ikalawang season nito kasama ang minahal …