Thursday , March 30 2023
Rocco Nacino Gabby Eigenmann

Rocco muntik nang mabudol

HATAWAN
ni Ed de Leon

SIGURO nga dahil sa hirap ng buhay ngayon at taas ng presyo ng lahat ng bilihin, at ang katotohanang mas marami ngayon ang gutom kaya kung ano-ano na ang naiisip ng iba sa atin, pati na ang panloloko sa kapwa.

Muntik nang mabudol si Rocco Nacino ng isang nag-message sa kanya at nagpapanggap na si Gabby Eigenmann, na nagtangkang umutang sa kanya ng P10,00. Mabuti nag-isip siya, hindi naman uutang si Gabby sa kanya ng ganoong halaga. Nag-check siya at nalaman niyang budol nga pala iyon.

Maraming ganyang raket ngayon lalo na sa social media. Magpapadala ng friend request, tapos oras na i-entertain mo sa chat, mangungutang na at ibibigay sa iyo ang number ng kanyang Gcash. Iyan ay isang uri ng big time mendicancy. Pamamalimos iyan eh, pero may internet, ibig sabihin may cellphone. Big time. Paano mong paniniwalaan na walang makain iyan eh may cellphone pa? Hindi ba tama na kung gutom ka na maaaring ibenta mo na ang cellphone mo bago ka mang-hustle ng iba?

About Ed de Leon

Check Also

Mystica Stanley Villanueva

Mystica sobra-sobra ang pagdadalamhati, anak pumanaw

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG malungkot ngayon ang novelty singer na si Mystica. Pagkatapos kasing …

Klea Pineda

Klea kaya pang makipaglampungan sa lalaki kahit umaming gay

COOL JOE!ni Joe Barrameda FINALLY, nag-come out na si Klea Pineda bilang miyembro ng LBGQT community. Maganda …

Jane de Leon Angel Aquino

Jane hanga sa tapang, talento, at ugali ni Angel Aquino

MA at PAni Rommel Placente SA panayam ni Darla Sauler kay Jane de Leon sa Kumu, tinanong ng una ang …

Marco Gumabao Cristine Reyes

Marco sa relasyon nila ni Cristine — mas masarap na private lang, walang nakiki-usyoso

MA at PAni Rommel Placente MADALAS makita na magkasama sina Cristine Reyes at Marco Gumabao.  Kamakailan ay nakita …

Kokoy de Santos

Sa naranasang hirap sa buhay
KOKOY PAMILYA MUNA ANG INUUNA

I-FLEXni Jun Nardo HIRAP din noon sa buhay ang Kapuso actor na si Kokoy de Santos noong panahong hindi …