Wednesday , July 24 2024
Kris Aquino Bimby Josh

Kris pinatawad na si Mel Sarmiento

PABONGGAHAN
ni Glen Sibonga

BALIK-INSTAGRAM si Kris Aquino matapos ang ilang linggong pananahimik para batiin ang kanyang yumaong kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino sa kaarawan nito noong February 8.

Nag-post si Kris ng video kasama niya ang mga anak na sina Josh at Bimby na bumati kay Noynoy ng “Happy birthday!” 

Pero may pahabol pa si Josh, “Happy birthday tito Noy, I love you.”

At naaliw kami sa reaksiyon ni Kris sa kanyang panganay, “Oh, kailangan mo talaga kaming kabugin? Well, it’s true! Totoo naman talaga na super love ni Kuya, it’s obvious kasi ikaw rin naman ang favorite niya (Noynoy). Sorry Bimb.”

I know, it’s okay. I know he loves me as well. You don’t have to say that,” sagot naman ni Bimb.

Makikita rin sa video post ni Kris na muli siyang nagpakuha ng dugo noong February 7. Pinuri pa niya ang nurse na kumuha ng kanyang blood sample, “Ang galing mo, ikaw dapat ang forever kumuha ng blood. I like you.  At para klaro po sa lahat, tomorrow po (February 8) may PET scan po ako.”

Samantala, may mahabang birthday message pa si Kris sa caption ng video post niya. Rito ay nabanggit pa niya na napatawad na niya ang ex-fiance niya na si dating DILG Secretary Mel Sarmiento.

Ayon sa caption ng IG post ni Kris, “Sorry, Noy mahirap mag edit. Kasi grabe ka naman magparamdam… tried my best umabot ng kahit 11:45 PM BUT di talaga kaya.

i love you so much. i’m so sorry na hindi ko nasabi enough times when you were still here. i’m sorry for letting you down- but i know nakita mo how much your death has profoundly changed me.

“i know you wanted to teach me how to practice humility and not to post anything that later on i may regret… sorry sumablay lang kay mel, kasi pumatol ako and nag comment when i should’ve just shut up. After i post this i’ll message him na all is forgiven & forgotten.

“Time to stop looking back, free myself from the past, focus on today and still have enough FAITH to look forward to tomorrow.

“i’m sure super happy ka because solong solo mo ang mom and dad in heaven. Please habaan nyo pa yung bonding nyo? If Ate goes, you know how tight she and mom were. If it’s Pinky, everyday may ka debate ka na hindi takot awayin ka. Please not Viel, she’s super organized & that’s why all your pamangkins get their birthday & Christmas “hulog ng langit”.

“And if it’s me- you know naman… birthday mo so i’ll behave, di ko na sasabihin but i know you know what i mean.

“WE ALL LOVE YOU and we really miss you- but kuya josh & bimb, they still really need me. Ikaw nang bahala, okay.

“Bunso will try her best to be more like you, and yung inako kong mga binilin mong wag pababayaan- ginagawa talaga.

“Remember your last SONA? May mga “leaders” kang ininvite, you called me to join you w/ them sa picture taking. You said nung 1998 sila yung unang sumuporta and kung wala sila, hindi mo maaabot yung inabot mo. Hinanap sila ni Alvin & kuya Nory… i made sure they felt our gratitude & #lovelovelove before mom’s birthday. Mahaba na ‘to. To be continued tomorrow…

(may tribute po ako for Noy but my brother deserves excellent editing kaya later po.)” 

About Glen Sibonga

Check Also

Cecille Bravo PWDW Filmfest Peoples Legacy Awards

PWDW Filmfest People’s Legacy Awards 2024 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang inaugural PWDW Film Fest People’s Legacy Awards 2024 na ginanap sa  QCX …

GMA Gala PBB Gen 11

PBB at GMA Gala nagtapatan, sino ang nag-trending?

I-FLEXni Jun Nardo KATAPAT sa  streaming ng GMA Gala ay ang pagbubukas muli ng Bahay ni Kuya …

Barbie Forteza Herlene Budol Kyline Alcantara Kobe Paras

Barbie patakbong tinulungan si Herlene; Kyline nakaw-eksena sa kasamang escort 

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN si Barbie Forteza na nakuhanang tumulong kay Herlene Budol nang mahulog ito sa isang bahagi …

Sophia Nadia Montenegro Baron Geisler

Baron wala pang pag-amin na anak si Sophia

HATAWANni Ed de Leon HINDI diretsahang inamin ni Baron Geisler na anak nga niya ang bunsong anak …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …