Friday , May 27 2022
Aisin Art Advics

Bagong MD, brand image, plans at produkto ipinakilala sa ‘Pinas: Mga tagumpay ng Aisin sa 2021 ipinagdiwang

         Sa taong ito, ang AISIN na isang pangunahing provider ng mga premium OE-quality automotive parts ay nakapagtala ng mga mahahalagang mga pagbabago at tagumpay na kinabibilangan ng pagtatalaga ng bagong Managing Director ng AISIN  sa Asia, bagong brand at logo, mga produkto, at vision sa hinaharap.

     Sa temang “Celebrating the New Era of Excellence: Transforming the Vision Into Movement,” ipinagdiwang ng AISIN sa pamamagitan ng virual Year-End Gathering ang mga natamong malalaking tagumpay ng kumpanya sa taong 2021. Nakipagdiwang sa kumpanya ang mga media, influencers, at maging ang mgam executives nito at ang awtorisadong distributor sa Pilipinas na Riken Motor Sales, Inc.

    Ibinahagi ng bagong Managing Director ng AISIN Asia na si  Mr. Yasuhiro Nakamura kung paano nagsikap ang kumpanya na maging makabago at lumikha ng mga produktong higit na makakapagsilbi sa mga customer nito.

         “Sa tulong ng aming mga tech-driven solutions, nais naming makalikha ng mas magandang kinabukasan para sa aming mga kustomer nang hindi makokompromiso ang kalidad ng buhay at pagpapatuloy ng kapaligiran.  Nais naming magpakita ng tunay na mga solusyon sa mga problema sa kapaligiran at lipunan habang lumilikha ng ligtas at tuloy-tuloy na hinaharap para sa lahat. Iyan ang aming vision at gagawin namin  itong isang kilusan sa pamamagitan ng mga saklaw at kalidad ng mga produktong iniaalok namin,” paliwanag ni Mr. Nakamura.

      Ipinamalas din ng kumpanya ang bagong brand at logo ng AISIN Group na bumubuo sa vision at philosophy ng kumpanya na “Inspiring Movement, Creating Tomorrow.” Ang bago naman  nitong tagline na   “We Touch the Future” ay nagpapalakas sa kanilang dedikasyong sama-samang kumilos nang pasulong bilang isang kumpanya gamit ang mga bagong teknolohiya para lumikha ng mga bagong produkto at serbisyo na magtitiyak sa safety, comfort, at sustainability.

     Ang rebranded image ng AISIN na opisyal na inilunsad noong Abril 2021 ay bunga ng pagsasanib ng   AISIN Seiki Ltd. At ng subsidiary nito na  AISIN AW noong maagang bahagi ng taong ito.

      Kasabay ng mga pambihirang tagumpay na ito, isiniwalat din ng AISIN ang bagong packaging na ilalatag sa merkado ng Pilipinas. Tampok sa bagong packaging na ito ang tatlong natatanging element: ang disenyo ng background, natatanging gold icon, at ang bagong AISIN logo. Naikasa na rin ang mga detailed packaging design specifications at  anti-counterfeiting measures para mapigilan ang pagkalat ng mga pekeng AISIN product.

      Sa naturang okasyon, ang VP ng Riken Motor Sales na si Mr. Winston Ang ay tumalakay sa mga produktong iniaalok sa merkado ng Pilipinas sa taong ito. Binanggit niya na, pagdating sa drivetrain, engine, lubricants at brake-related products, nananatiling nasa unang isip at pinipili ng mga customer ang AISIN. Ipinahayag din niya na nakahanda na ang mga bagong produkto ng AISIN sa susunod na taon.

       “Meron na kaming nakahandang mga produkto na ilulunsad sa susunod na taon tulad ng  Fuel Filter, Air and Cabin Filter, Wiper Blades, at marami pang iba.  Umaasa kami sa pagsuporta rito ng sino man. Nasa Pilipinas na ang mga produkto ng AISIN, ADVICS at ART sa pamamagitan ng Riken Motor Sales at ng aming mga partner dealer sa buong bansa,” pagbabahagi pa ni Mr. Ang.

      Ang AISIN ay gumagawa at nagsusupplay ng mahigit 10,000 klase ng mga piyesa ng mga sasakyan sa mga pangunahing car manufacturer sa  buong mundo. Nakakapagbigay din ang kumpanya ng high-quality automotive parts sa pamamagitan ng pakikinabang sa mga technological expertise nito at ng isang malakas na network ng mga automotive manufacturing plant sa buong daigdig.

      “Layunin namin na maging Department Store of Automotive Products, lumikha ng isang one-stop-shop sa sino mang nangangailangan ng ano mang automotive product. Sa tulongn ng mahal naming mga kustomer, matatamo namin ang layuning ito paunti-unti. Dahil ang teamwork at pakikipagkolaborasyon sa inyo ang laging nagbubunsod sa amin na lumikha pa nang marami at mag-alok pa ng marami pa,” sabi ni Mr. Nakamura.

         Opisyal na inilunsad noong 2019 ang AISIN Philippines na pinamamahalaan ng regional office ng AISIN sa Singapore, ang AISIN Asia Pte. Ltd.. Para sa dagdag na impormasyon hinggil sa AISIN at sa marami nitong mga produkto, bisitahin ang  AISIN Philippines’ official Facebook page.

About hataw tabloid

Check Also

Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Marian sa friendship nila ni Rhea Tan: May kontrata kami for life! 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PINATATAG na ng panahon ang pagkakaibigan nina Marian Rivera Dantes at Beautederm CEO …

riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang …

explode grenade

Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA

NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng …

Bulacan Police PNP

6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo 

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing …

rape

Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang …