TOTOO kaya ang kuwento ng isang dating indie male star na lumabas din sa ilang serye sa telebisyon bilang support lang din naman? Inutusan daw siya ng “manager” niya noon na lumapit sa isang executive. Ok lang naman daw sa kanya ang “hiningi niyon.” Pero ang hindi niya alam, habang “nangyayari pala ang lahat” ay may nakatutok na video camera sa kanila, na ang suspetsa niya ay nakakubli sa isang cabinet.
Nang minsan daw na tinawagan siya ng bading na network executive para magkita sila ulit, tumanggi na siya. Ang kasunod pinadalhan siya niyon ng isang message na ang sabi “ok lang” pero kasama ang video ng kanilang ginawa noong una. Sa takot niyang ikalat pa iyon ng bading, umuwi na lang siya sa kanila sa Bisaya, para wala na siyang contact na kahit ano.
(Ed de Leon)