Thursday , December 9 2021

Barangay & SK elections hiniling i-postpone: No vaccine no entry sa business establishments

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

MARAPAT lang na hindi ituloy ang barangay and SK elections sa taon 2022. At ito ay pinipigilan ni Davao Oriental Rep. Joel Almario na kanyang ipinanukala sa Kamara, imbes idaos sa 6 May 2024.

Katwiran ni Rep. Almario, hindi naayon sa ating bansa na magsabay-sabay ang pagkakaroon ng mga bagong opisyal mula sa pangulo at local government units.

Ayon sa Kongresista, masyadong mabigat ang pressure sa paged-deliver ng governmental services at makadagdag pa ng pressure ang pagkakaroon ng SK at  barangay elections. Higit sa lahat lubog na sa utang ang ating bansa dahil sa pandemyang dulot ng CoVid-19.

Hayaan muna natin makaahon ang bansa sa nangyaring pandemic, na posibleng matapos taon 2023.

***

Upang tuluyan nang makatakas ang publiko sa pandemic dulot ng CoVid-19, dapat lang na lahat ay magpabakuna. Kaya naman ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga business owners, pabakuhanan ang lahat ng kanilang emple­yado at huwag papasukin ang mga hindi nagpabakuna.

Simple lang ang gusto ng Pangulo, upang sa gayon ay ligtas ang lahat sa CoVid-19.

Ang pro­blema, marami ang hindi naniniwala sa bakuna, na hanggang ngayon ay marami pa rin na hinihintay madapuan ng virus. May mga pasaway talaga, na ang totoong dahilan ay takot sa heringgilya. Meron naman na may pilosopong katuwiran, hindi nila alam na ‘di sapat ang alcohol sanitizer, face mask, face shield, iba pa rin ang may bakuna, na sa sariling pamilya mo ay tiyak ang kaligtasan sa CoVid-19.

Kung bakit naman sadyang may mga taong nuknukan ng tigas ang mga ulo! Sa kabila ng paalala ng Pangulo at ng Department of Health (DOH) na magpabakuna ay ayaw talaga.

Kaya nagdesisyon ang Malacañang na “No vaccine no entry” na dapat ipatupad ng business owners.

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Balik-trabaho na tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA GITNA ng sadsad nating ekonomiya – napuruhan at …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Kids bawal mangaroling… online na lang, mas malaki pa’ng kita

AKSYON AGADni Almar Danguilan FEEL NA FEEL n’yo na ba ang Pasko? Brrrr…palamig nang palamig …

Bulabugin ni Jerry Yap

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Dragon Lady Amor Virata

Christmas party, yes na yes!

Isumbong mokay Dragon Ladyni Amor Virata MAGANDANG balita ito sa mga nagsasagawa ng family reunion …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Talas ng Little Mayor

PROMDIni Fernan Angeles MINSAN pa’y pinatunayang walang panamang tibay ng anumang estruktura kapag pinamahayan ng …