Saturday , May 28 2022
Consoliza Laguardia, MTRCB

Laguardia mamumutol, mahahalay na pelikula lagot

HATAWAN
ni Ed de Leon

AYAN na. Nag-take over na si OIC Consoliza Laguardia sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) at mabilis niyang nasilip ang mga mahahalay na pelikulang ipinalalabas sa internet.

Kung kami ang tatanungin, hindi lang dapat classification kundi sensura ang ipataw diyan sa mga pelikula sa internet. Basahin na lang ninyo kung ano ang sinasabi nila mismo sa social media. Ni wala silang sinasabi kung ano ang kuwento ng kanilang mga pelikula, kundi kung paano inilabas ng mga artista nila ang mga ari-arian niyon sa pelikula nila. Hindi lang kung paano inilabas ang kanilang ari-arian. Ikinukuwento rin nila kung paano nila ipinakikita ang pagtatalik ng dalawang lalaki. Aba napansin namin na roon sa mga pelikulang inilalabas sa internet, lalo na iyong mga pambakla, magtataka ka kung bakit ipina-ban pa ng gobyerno ng Pilipinas ang website na Pornhub.

Ngayon pakikialaman na sila ng MTRCB, tiyak iyon putol ang mga ari-arian nila. Ang mga mahihilig na bakla, pupunta na lang sa isang social media platform na nakalulusot ang mahahalay na video, at siguro lilipat na lang sa mga sex video na ginagawa ng mga male starlet na walang trabaho.

Pero oras na makialam ang MTRCB, tiyak aalma ang mga baklang director na gumagawa ng mahahalay na pelikula, at kailangan natin isipin na noong gawin ni Presidente Marcos iyong PD1986, na siyang lumikha sa MTRCB, wala pang video streaming. Iyong mga computer noon na “wordstar” pa lang. Ibig sabihin, wala sa batas iyang internet video streaming at kung wala sa batas, paano nga ba iyan sasakupin ng MTRCB na ang kapangyarihan lamang ay nasa mga pampublikong palabas sa mga sinehan, sa telebisyon at niyong bandang huli ang kanilang classification ay ipinatutupad na rin sa video. Pero iyang internet pribado. Private communications iyan kaya paano kaya ang gagawin para mapanghimasukan ng MTRCB? Dapat ang makialam niyan ay ang DICT (Department of Information and Communications). May magagawa pa, babalik sila sa Kongreso para amyendahan ang batas ng MTRCB at masakop ang video streaming, eh ngayon wala ka nang mahagilap dahil lahat nagkakampanya na. Iyon ang sinasabi sa amin noon ni Congresswoman Vilma Santos, baka kailangan amyendahan iyang batas para masaklaw ng MTRCB ang video streaming, eh lahat nataranta sa pagpapasa ng Bayanihan law na nagbigay ng kapangyarihan sa gobyerno na bumili ng kahit na ano ng walang bidding.

About Ed de Leon

Check Also

Lolit Solis Angeline Quinto Nonrev Daquina

Lolit Solis binasag ilusyong pag-aartista ng live-in partner ni Angeline  

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanyang Instagram account ay nagbigay ng reaksiyon si Lolit Solis tungkol …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul gagamitan ng tradisyonal na panliligaw si Mikee

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni Paul Salas na nagsimula na siyang manligaw kay Mikee Quintos. Inamin …

Joey Marquez Winwyn Marquez

Joey kinompirma Winwyn ikakasal ngayong taon

RATED Rni Rommel Gonzales SINABI ng veteran actor na si Joey Marquez na engaged na ang anak …

Marian Rivera Sanya Lopez

Sanya thankful kay Marian: ginagawa ko ang lahat for her

RATED Rni Rommel Gonzales INILAHAD ni Sanya Lopez na iniaalay niya ang pilot episode ng First Yaya kay Marian …

Marlo Mortel BTS

Marlo Mortel na-inspire sa BTS 

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para kay Marlo Mortel ang makita nang malapitan ang world renowned …