Sunday , July 14 2024
Aga Muhlach, Mystery Man

Mahirap maikompara kay Aga Muhlach

HATAWAN
ni Ed de Leon

MALI ang ginagawa ng mga baguhang artista na sa hangad na mapag-usapan ay ikukompara ang sarili nila sa mga beterano at magagaling na actor. Ito naman sinasabi namin, dahil doon sa pakulo na sinasabi ng isang male star na siya raw ang gagawa ng isang role na dati nang nagawa ng actor na si Aga Muhlach.

Maling gimmick iyan. Hindi ba niya alam kung gaano kahusay
na actor si Aga? At dahil sa sinabi niyang iyon tiyak ikukompara siya ng audience sa galing ni Aga. Eh ano ang gagawin niya pagkatapos, kakanta siya ng “I did my best, but I guess my best wasn’t good enough?”

Ang dapat nga sana hindi nila pinalabas na iyon ay nagawa na ni Aga. Dapat ginawa niya ang pinakamatinding magagawa niya at kung mapuri siya, maski na iyong mga bayarang troll lang ang pumuri sa kanya, at may maglakas loob na magsabing mas magaling siya sa performance ni Aga ng parehong role, iyon iyon.

Pero ngayon pa lang ikukompara mo ang sarili mo kay Aga? Aba napakataas na ambisyon iyan.

About Ed de Leon

Check Also

Alden Richards Julia Montes Dingdong Dantes Marian Rivera

Alden, Julia, Marian, Dingdong wagi sa 40th Star Awards for Movies

INILABAS na ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang partial lists ng mga nagwagi sa minor at …

Eddys SPEEd ALLTV

7th The EDDYS ng SPEEd mapapanood sa ALLTV sa July 14

MATAPOS ang matagumpay na 7th EDDYS (Entertainment Editor’s Choice) noong Hulyo 7, 2024 na ginanap sa Ceremonial …

Mentorque Productions Bryan Dy Eddys SPEEd

Mentorque produ nagpasalamat sa SPEEd, nangakong gagawa pa ng mga pelikula

MATABILni John Fontanilla SOBRW-SOBRA ang kasiyahan ng film producer ng Mentorque Productions na si Bryan Dy sa karangalang ibinigay …

60th Binibining Pilipinas 2024

Mga reyna ng Binibining Pilipinas pinarangalan

MATABILni John Fontanilla NAKATUTUWA at kahanga-hanga ang katatapos na 60th Binibining Pilipinas Coronation Night na pinagsama-sama ang …

Jessy Mendiola Rico Yan

Jessy Mendiola tinuligsa puntod ni Rico Yan ginawang tourist spot  

MA at PAni Rommel Placente TILA hindi nagustuhan ni Jessy Mendiola ang ginagawang paggamit ng ilang netizens …