Tuesday , November 11 2025
Aga Muhlach Bea Alonzo Paul Soriano First Love Coco Martin
Aga Muhlach Bea Alonzo Paul Soriano First Love Coco Martin

Coco, sinuportahan sina Aga at Bea; malalaking artista, dumagsa

PINAGHANDAAN ng SM Megamall Cinema 1 ang premiere night ng pelikulang First Love nina Aga Muhlach at Bea Alonzo handog ng Ten17 Productions, Viva Films, at Star Cinema dahil sobrang bango sa loob ng sinehan. Ilang boteng pabango kaya ang ini-spray para mapabango ang napakalaking venue na ito?

Sa Cinema 7 kasi kadalasang isinasagawa ang premiere night ng mga pelikula at hindi naman ganito kabango at higit sa lahat, hindi rin magaganda ang mga upuan dahil may mga sira lalo na sa De Luxe section.

Inisip namin na malalaking artista kasi ang dadalo sa First Love premiere night sa pangunguna nina Bea at Aga.  Lalo na ang aktor na madalang gumawa ng pelikula. (Ganyan din ang ginawa nila saTres na pinagbidahan ng magkakapatid na Jolo, Luigi, at Bryan Revilla)

Anyway, ang saya-saya ng supporters sa rami ng mga sikat na artistang nakita nila’t pinagkukunan nila ng litrato kaya naman ang sangkaterbang ABS-CBN marshalls ay maagap na hindi makalapit ang mga nagkakagulong fans sa red carpet.

Bukod kina Aga at Bea na lumakad sa red carpet ay naroon din ang pamilya ng aktor na sina Charlene Gonzalez, Atasha, at Andres Muhlach, ang mag-asawang direk Paul at Toni Gonzaga-SorianoZanjoe Marudo, mag-asawang Sarah Lahbati at Richard GutierrezMaymay Entrata, Edward Barbers, Albie Casino, ang Los Bastardos cast na sina Diego Loyzaga, Jake Cuenca, Joshua Colet, Gerard Anderson, Claudine Barretto, at Coco Martin na ikinagulat ng lahat dahil nagkaroon siya ng libreng oras para sa First Love premiere.

Sabay dumating ang mag-dyowang Bea at Gerard pero pinaunang pumasok ang aktor dahil sasabay ang aktres kina Aga at direk Paul papasok sa loob.

Narinig namin ang mga pangalan ng ABS-CBN at Star Cinema executives na sina Olive ‘Inang’ Lamasan, Malou N. Santos, Enrico CSantos, Dreamscape Business unit head, Deo T. Endrinal, Biboy Arboleda at marami pang iba.

Ang ever loyal supporters ni Bea ay present din with matching banners kaya naman abot-abot ang pasalamat sa kanila ng aktres pati na rin ang taga-Star Cinema.

Sabi nga ni direk Paul, sobrang ganda ng Vancouver kaya pala madalas itong gamiting backdraft ng Hollywood movies at noong naroon sila ay may kasabay silang anim na pelikulang doon din ang shooting.

Palabas na kahapon, Oktubre 17 ang First Love sa maraming sinehan at mas magandang panoorin ito para mas lalong maintindihan kung bakit ito ang napiling titulo ni direk Paul.  Kakaiba ang role ni Albie na hindi namin inakalang tatanggapin niya at si Edward naman ang taong tinutulungan ni Nick (Aga) dahil may atraso siya sa magulang nito na ginagampanan ni G Toengi as Vicky.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Nadine Lustre Sarsa

Nadine ibinahagi istorya sa viral picture na may hawak na sarsa

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang guesting sa Ang Walang Kuwentang Channel nina Direk Antoinette Jadaone at JP Habac, …

Ryan Bang Paola Huyong Vice Ganda Ion Perez

Ryan may ibinuking kina Vice Ganda at Ion: role model sa pag-ibig

MA at PAni Rommel Placente NAKASAMA nina Vice Ganda at Ion Perez ang anak-anakan nilang si Ryan Bang sa  7th anniversary celebration …

Mr M Johnny Manahan MVP MediaQuest

Mr M tutuklas ng mga bagong iidolohin sa TV5

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pagpasok ni direk Johnny Manahan o Mr. M sa TV5 bilang mamamahala sa artist center …

Edu Manzano Carla Abellana Anne Curtis Dennis Trillo Alden Richards Vice Ganda

Edu, Carla, Anne, Dennis, Alden, at Vice walang tigil sa pag-usig sa mga korap

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HABANG isinusulat namin ang column na ito ay nananalasa sa buong …

VMB Viva Movie Box Valerie del Rosario

VMB ng Viva mahirap bitawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAY puso at may tatak-Viva. Ito ang tiniyak ni Valerie del Rosario, …