Thursday , October 28 2021
Bea Alonzo, Mary Anne Ranollo

Bea kumulo ang dugo sa basher na nanghiya sa kanyang ina

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Bea Alonzo sa The Boobay And Tekla Show kamakailan, ay sinabi niya na may sinagot/pinatulan na siyang basher. Pero sinagot niya ito hindi para sa kanyang sarili, kundi para ipagtanggol ang kanyang ina. Ito kasi ang binash at hindi siya.

Sabi ni Bea, ”Well kadalasan naman positive ‘yung pagsagot natin. Pero may isang sinagot ako. Nagpunta kasi kami ni mama sa The Farm. Tapos, nag-comment siya na hindi raw kami magkamukha ni mama. 

“Tapos parang shiname niya si Mama. Parang normally, ‘pag tungkol sa ‘kin hindi naman ako nagre-reply. Kaya lang kasi parang na-hurt ako for my mom.”

Hindi  naman inaway ni Bea ang basher.

“Pero hindi ko naman siya inaway. Sabi ko lang, ‘I think my mom is the most beautiful person in the world. God bless you.’” 

Sa narinig na-comment si Boobay. Sabi niya, “At saka ‘yung ganoong mga comment, ‘yun naman talaga ang kapatol-patol.”

Sine­gundahan naman ni Bea ang sinabi ni Boobay, ”Oo, parang kumulo ‘yung dugo ko.” 

Si Bea, hindi naman talaga palapatol sa basher. Kaya lang siyempre, nanay niya na ang sinabihan nang hindi maganda, kaya ayun, pumatol na rin siya, ‘di ba?

About Rommel Placente

Check Also

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Baguhang aktor boy toy ni Matinee Idol

ANG lakas ng tsismis na ang isa raw baguhang male star, na talaga namang pogi at sexy …

Aiko Melendez

Aiko ba-boo na sa Prima-Donnas 2

I-FLEXni Jun Nardo UM-EXIT na si Aiko Melendez sa lock in taping ng Kapuso searies na Prima Donnas 2. Walang …

Mel Sarmiento, Kris Aquino, Herbert Bautista

Bistek happy kay Kris

I-FLEXni Jun Nardo SIMPLENG, ”I’m happy for her!” ang tweet ni senatoriable Herbert Bautista at post sa …

Niana Guerrero, DJ Loonyo

DJ Loonyo wish maka-collab si Niana Guerrero

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni DJ Loonyo kamakailan sa show namin sa FYE Channel sa Kumu …

Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Art Atayde

Sylvia ‘di sang-ayon sa pagpasok ni Arjo sa politika — Pero anak ko ‘yan susuportahan ko

MA at PAni Rommel Placente AMINADO si Sylvia Sanchez na noong una ay hindi siya sang-ayon …

Leave a Reply