Friday , October 7 2022
Mahal, Mura

Mahal may paramdam kay Mura

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

ILANG linggo bago biglang yumao ang komedyanteng si Mahal nagparamdam nga ba siya sa magaganap sa kanya sa pamamagitan ng isang mahiwagang pangungusap? 

Pumanaw ang comedienne na may dwarfism na ang tunay na pangalan ay Noeme Tesorero dahil sa Covid at gastro ailments noong Agosto 31,   4:00 p.m..

‘Yan ang pahayag ng kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero sa Instagram n’ya at sa PEP. ph website

Si Irene ay ang nakababatang kapatid ni Mahal. Nakabase siya sa Clevelend, Ohio, USA, na nagmamay-ari ng restoran. 

Sa isang ospital sa Batangas pumanaw si Mahal. Sa Tanauan, Batangas siya naninirahan bago siya yumao dahil isinama siya roon halos isang taon na ang nakalipas ng kaibigang n’yang si Mygz Molino, isang indie actor at vlogger.

Isa pang kapatid ni Mahal na ang pangalan ay Lany ang unang nakaalam sa pagdadala ni Mygz kay Mahal sa ospital. Ang alam lang ni Mygz ay may problema sa tiyan (gastro) si Mahal. Sa ospital na lang niya nalaman na may Covid pala ang kanyang kaibigan. 

Lahad ni Irene sa PEP: “Mayroon din siyang pre-existing condition, may high blood pressure.

“Sa edad niya at saka sa dwarfism niya, so far, talagang nasa high risk na siya ng COVID.

Dagdag na pagtatapat pa ni Irene: “Kamamatay lang ng tatay namin, dalawa na ang ililibing ko.

’Yung abo ni Papa, nasa bahay pa, tapos ngayon si Mahal.”

Sumakabilang-buhay ang ama nina Mahal na si Romy Tesorero noong August 5, 2021, sa edad na 74.

Dahil Covid ang ikinamatay ni Mahal kailangang i-cremate ang kanyang labi. “then later, we will post ‘yung wake niya kasi ang daming nagre-request na magpaalam sa kanya.”

Hindi makakauwi si Irene para sa burol ni Mahal dahil nasa Cleveland, Ohio siya.

Kuwento niya, “Lagi kaming nag-uusap ni Mahal pero last few days, hindi siya nagsabi na maysakit. Lahat sila itinago sa amin na may sakit si Mahal.”

Samantala, ang sinasabing pagpapahimakas ni Mahal sa kanyang pagpanaw ay may kinalaman sa pagdalaw nila ni Mygz kay Mura, ang ka-team up niyang comedian noon.

Noong kalagitnaan lang ng Agosto naganap ang pagdalaw nila kay Mura sa Guinobatan,  Albay, gamit ang kotse ni Mygz. Nadiskubre nilang sa bundok pala nakatira si Mura na may diperensiya na sa paa at hirap nang maglakad.

Kinuhanan ni Mygz ng video ang pagkikita nina Mahal at Mura para magamit sa vlog n’ya. Later on, ginamit din sa show ni Jessica Soho sa GMA 7.

Pahayag ni Mahal kay Mura sa isang punto ng pag-uusap nila: “Kapag halimbawa nawala ako sa mundo, mayroon pang kaunting tulong ako sa ‘yo.”

Ang pahayag na ito ni Mahal ang dahilan para maluha si Mura.

Na-touch ito dahil kahit ang layo ng kanyang tirahan ay dinalaw siya ni Mahal.

Sinabi ni Mahal kay Mura na huwag na itong umiyak.

“Baka mababaha tayo ng luha rito, mamaya hindi na ‘ko makauwi ng buhay,” sabay tawa ni Mahal.

Alam nating nakauwi pa si Mahal sa Batangas.

August 20, 2021, ipinost ang video ng pagbisita niya sa kanyang dating ka-partner at kaibigang si Mura o Allan Padua sa totoong buhay.

Ang pagtatagpong ito ng dating mag-partner ay naitampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) noong August 22, 2021.

Sa KMJS interview, muling binanggit ni Mahal ang binitiwan niyang pangako kay Mura na hanggang sa uugod-ugod siya ay sasagutin niya ang pagpapa-therapy ni Mura.

Nag-trending ang interbyu ni Jessica kay Mahal. Sunod-sunod ang tweets ng netizens sa pagkabigla nila sa pagpanaw ng komedyante, lalo’t ang huling panood nila sa video ni Mahal ay tawa ito nang tawa.

Sabi ng isang netizen, kinilabutan siya sa parte na sinabi ni Mahal na “Kapag halimbawa nawala ako sa mundo…”

Paglalarawan naman ng isa pa, “cryptic message” ang sinabi ni Mahal tungkol sa pagkawala sa mundo.

About Danny Vibas

Check Also

Janelle Tee AnNa

Janelle Tee, kapit sa patalim bilang prosti sa Vivamax series na Anna

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SI Janelle Tee ay tampok sa seryeng Anna na napapanood na ngayon …

Floyd Mayweather AQ Prime Manny Pacquiao

Floyd Mayweather handang makipag-collab kay Pacman

MATABILni John Fontanilla HANDANF makipag-collab ang American Boxing Icon na si Floyd “Money” Mayweather kay Pambansang Kamao Manny …

Veronica Yu Mrs Universe Philippines

Veronica Yu ng QC wagi sa 2022 Mrs Universe Philippines

MATABILni John Fontanilla KINORONAHA  bilang Mrs Universe Philippines 2022 si Veronica Yu mula sa Quezon City, habang Mrs. Universe Philippines FDN-North …

Kyline Alcantara Mavy Legaspi

Mavy kay Kyline — gusto ko siyang proteksiyonan at ayaw ko siyang masaktan

MA at PAni Rommel Placente SA latest vlog naman ng magkasintahang Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, naging open …

Mariel Rodriguez Bianca Gonzalez Anne Curtis Boy Abunda

Mariel nakonsensya nang i-prank sina Anne, Bianca, at Kuya Boy

MA at PAni Rommel Placente NAKIUSO na rin si Mariel Padilla sa prank calls. Pero after niyang …

Leave a Reply