Friday , June 20 2025
Kim Chiu PBB house
Kim Chiu PBB house

Kim Chiu emosyonal sa Bahay ni Kuya

HATAWAN
ni Ed de Leon

MEDYO emotional ang post ni Kim Chiu nang madaanan niya ang dating PBB house na sarado na nga at may nakalagay na malaking number 10 sa harapan. Kung ano ang ibig sabihin niyon, hindi rin natin alam. Pero nauna roon may announcement din na magkakaroon doon ng bagong community.

Ang tingin namin, baka tayuan iyon ng townhouses o condominium para pagkakitaan naman. Hindi mo masasabing ibinenta iyon ng ABS-CBN dahil condominium developer din naman sila, at hindi ba noong araw may tsismis na iyang lugar nila sa Esguerra ay gagawin nilang condo na parang sa Rockwell at ililipat na ang operasyon ng ABS-CBN sa San Jose del Monte sa Bulacan na sinasabing may itatayo pang theme park na parang sa Universal Studios pero ang mga attraction ay batay sa kanilang TV shows at pelikula. In fact nagsimula na nga ng isang maliit na attraction noon sa Trinoma. Hindi lang masyadong nag-click. Hanggang ngayon, wala pang makapagsabi kung ano nga ba ang gagawin nila sa Bahay ni Kuya. Hindi rin naman wise kung pabayaan nila iyong ganoon na lang, dahil bumaba na rin naman ang popularidad ng PBB, at wala nga silang franchise para magbayad na naman ng franchise to air sa mga may-ari ng show.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Hiro Magalona

Hiro Magalona nakabalik kahit anim na taong nawala sa showbiz

MATABILni John Fontanilla NAG-UUMAPAW sa kasiyahan ang nagbabalik-showbiz na si Hiro Magalona dahil isa siya sa nabigyang parangal …

Xian Lim commercial pilot

Xian Lim may commercial pilot license na

MATABILni John Fontanilla MASAYANG ibinahagi ni Xiam Lim sa kanyang facebook ang labis- labis na kasiyahan sa …

Jericho Rosales Janine Gutierrez

Echo, Janine ang lakas ng chemistry, totoo ang pagmamahalan

NILALANGGAM sa katamisan ang photo-shoot ng lovers na sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez sa isang sikat na …

Kiko Pangilinan Marvic Leonen Sharon Cuneta

Sen Kiko nanumpa na, adhikain ipagpapatuloy 

I-FLEXni Jun Nardo KOMPLETO ang family ni Senator Kiko Pangilinan nang mag-oath taking siya sa harap ni …

Claudine Barretto

Claudine may pinagdaraanan, ninenega sa socmed

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI naman ang naawa kay Claudine Barretto dahil sa kasalukuyang pinagdaraanan na tila …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *