Thursday , June 4 2026

Mas masaya ang Pasko ngayon (Sabi ng OCTA)

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

NABABALIW na yata ang mga taga-OCTA na nagsabi na mas masaya ang Pasko ngayong 2021.

Paano magiging masaya, hindi nga makausad ang ating ekonomiya. Maraming nawalan ng trabaho, daming utang ng bawat Filipino, mga negosyante nagsara ang mga negosyo. Walang pinakamasuwerte kundi mga empleyado ng gobyerno na kahit skeletal ang pasok sa trabaho, tuluy-tuloy ang suweldo.

Harinawa magdilang anghel ang OCTA sa pagtatapos ng taong 2021 ay the end na ang pandemic! Pero ang sasabihin na masaya ang Pasko, IMPOSIBLE!

***

Kamakailan, ang pampublikong ospital na Pasay City General Hospital ay napuno ng CoVid patients, kaya napilitang uwag na muna tumanggap ng pasyente. Dumami ang nagka-CoVid dahil sa mga pasaway!

Kamakailan din ay nag-anunsiyo sa social media ang DOH na ‘yung mga nagpabakuna na ng may ilang buwan na ang nakalilipas kung mayroon pang nararamdaman sa kanilang kalusugan na kakaiba. Marami ang nangamba kung itong inianunsiyo nila ay senyales ba ng testing ng bakuna?

Mayroon kasing nagsabi na in two years time, maraming mamamatay! Ang tanong, ‘yung nagpabakuna ba o ‘yung hindi ang mama­matay?

Mamama­tay ba ang mabubuti at maiiwan ang masasama? Pabor ako kung ang mama­matay ay ‘yung mga corrupt o magnanakaw sa gobyerno, simula kapitan ng barangay, mga konsehal, alkalde, kongresman, senador at mga gabinete, at maging ang pinakamataas na pinuno o lider ng bansa.

Sa rami ng proyekto at impraestruktura na itinayo at ginawa, dahilan din kung bakit nagkasikip-sikip ang daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila ay patuloy ang paglobo ng yaman ng mga nangangasiwa.

Talagang wala nang pag-asa ang ating bansa. Isa ang ating bansa na pinaka-corrupt! At isa rin ang bansang Filipinas na pinakamaraming mahirap!

***

Sa buwan ng Setyembre ay ika-18 anibersaryo ng PEOPLES LIDER. Maraming salamat sa lahat ng tumatangkilik. Bagama’’t bagsak po ang ating ekonomiya, patuloy pa rin ang pahayagang ito sa pagbibigay ng mga balita.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …