Wednesday , December 8 2021
Julia Montes Coco Martin
Julia Montes Coco Martin

Julia todo handa sa Ang Probinsyano:
Pag-amin sa relasyon isusunod na

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY nakita kaming video na nakasakay si Julia Montes  sa isang magandang motorsiklo at sinasabing iyon ay paghahanda niya sa kanyang pagpasok sa Ang Probinsyano, ang long time action series na makakatambal niya ang matagal nang natsitsismis na boyfriend niyang si Coco Martin. May mga pictue din na makikita mo si Julia na nagsasanay sa paghawak ng baril.

Ang sinasabi nga nila, kung ganoon siya kaseryoso sa paghahanda sa pagtatambal lamang nila ni Coco sa isang serye, may paghahanda na rin ba para sa pag-amin nila sa kanilang relasyon?

Matagal na iyang usapan sa relasyon ng dalawang iyan. May panahon pa ngang napakatindi ng tsismis at hindi nagkaroon ng pagkakataon si Julia na magsalita tungkol doon dahil nasa abroad siya.

Si Coco man ay tumanggi ring magsalita tungkol sa controversy at siyempre noong panahong iyon, dahil totoo namang siya ay isa sa pinaka-malaki nilang star, protektado si Coco ng ABS-CBN. Kahit na nga controversial dahil walang nagsasalita, namatay ang issue.

Nagkataon naman iyon na may gumawa rin ng tsismis tungkol kay Liza Soberano at dahil hindi naman talaga totoo, nagbanta siyang magsasampa ng demanda.

Natakot ang mga tsismosa at natigil pati ang tsismis nila kay Julia.

Matagal nang nakabalik sa Pilipinas si Julia, pero hindi siya nagbalik showbiz. Siguro nga ay may iba pa siyang inasikaso at ngayon nga lang nagdesisyong bumalik. Bida agad siya sa isang pelikula, at ngayon bida pa rin sa isang serye na siyempre ang katambal niya sa dalawang projects ay si Coco.

May nagsasabi tuloy na baka naghintay talaga ng pagkakataon si Julia para sa pagbabalik niya ay si Coco lamang ang makakasama niya sa mga project na kanyang gagawin. Magkaibigan naman silang matalik kaya mapapalagay ang loob niya sa trabaho kahit na matagal siyang nawala sa showbusiness.

Dahil sa mga pangyayaring iyan, marami sa fans ang nagsasabi na sana nga totoo na lang ang tsismis. Sana nga silang dalawa na lang ang magkatuluyan.

Nasa tamang edad na rin naman sina Coco at Julia para magkaroon ang pamilya. Kung talagang sila na nga, bakit hindi pa tuluyan?

About Ed de Leon

Check Also

Ping Lacson Caleb Jiro Iwa Moto

Sen Ping Lacson pinaglihian ni Iwa?

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio PINAGLIHIAN kaya ni Iwa Moto, asawa ni Pampi Lacson ang biyenan niyang si Sen. …

Gab Valenciano

Gab nagka-trauma sa pagkanta

HARD TALKni Pilar Mateo  “THE whole 2020 was a blur! Nangyari ba talaga ito?” ang …

Gabbi Garcia, Khalil Ramos

Khalil at Gabbi sa Bora ang selebrasyon ng kaarawan

I-FLEXni Jun Nardo BORACAY ang destinasyon ng showbiz couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa 23rd birthday celebration …

Blind Item Corner

Matinee idol bargain na ang presyo

HATAWANni Ed de Leon  “BARGAIN na ngayon si matinee idol, P20K na lang siya. Kapresyo na …

Nora Aunor Comelec

Party list ni Nora binutata ng Comelec

HATAWANni Ed de Leon NAKASAMA ang party list ni Nora Aunor, iyong NORA A, sa listahan ng 127 party …

Leave a Reply