Saturday , November 27 2021

AFP PA 600 medical frontliners sa Rizal binakunahan vs CoVid-19

TINURUKAN ng bakuna ang tinatayang 600 medical frontliners ng 2nd Infantry Division (ID) ng Philippine Army sa vaccination rollout ng CoVid-19 vaccine sa Camp Capinpin, sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal, nitong Sabado, 13 Marso.

Magkasamang tinang­gap nina Brig. Gen. Rommel Tello, Assistant Division Commander, at Tanay Mayor Rex Manuel Tanjuatco kamakalawa ang 1,200 vials ng CoVid-19 vaccine na hindi binanggit kung Sinovac o AztraZeneca, para sa jungle fighters mula sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines.

Sinaksihan ng dala­wang opisyal ang symbolic vaccination ceremony nang sumailalim sa pre-screening ang AFP medical frontliners bago tinurukan at post evaluation naman para i-monitor kung magkaka­roon ng adverse effects following immunization (AEFI).

Sa datos ng 2nd Army Hospital sa lugar, nasa 1,200 vials ang inilaan sa 600 recipients mula sa 2nd ID.

Kasabay nito, hinimok ni Tello ang lahat ng sundalo na huwag matakot magpabakuna.

“Let us move forward in ending the pandemic by taking the vaccine at hand so that we will be able to perform our mandate to serve the people with confidence and without hesitation of getting infected. So, roll up your sleeves and get it,” ani Brig. Gen. Tello.

Mahigpit na ipatu­tupad ang minimum health standard sa paggamit ng face shield, mask, physical distancing, proper hygiene, at sanitation sa vaccine rollout sa mga kampo ng militar.

(EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Jeffrey Hidalgo Angeli Khang

Jeffrey Hidalgo sumabak na rin sa pagdidirehe ng bold

FACT SHEETni Reggee Bonoan SPEECHLESS kami sa trailer ng bagong erotic drama movie ng Viva …

P251-K bato kompiskado HVT sa Pasig arestado

NASAKOTE ng mga awtoridad ang 33-anyos lalaki, pangsiyam sa high value targets (HVT), sa ikinasang …

Sa Bulacan
24 LAW OFFENDERS DERETSO SA HOYO

ARESTADO ang 24 katao, pawang lumabag sa batas, sa iba’t ibang operasyon na inilatag ng …

Alitangya sumalakay sa Pampanga

NAITALA sa ilang lugar sa lalawigan ng Pampanga ang pananalasa ng rice black bug o …

PCSO STL PNP NBI

Ayuda sa NBI, PNP
P52.2-M PCSO STL SALES INILAAN SA HEALTHCARE

NANAWAGAN ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau …

Leave a Reply