Wednesday , July 17 2024

May 2022 elections tuloy na tuloy na

HINDI umano sagabal ang pandemyang dinaranas ngayon ng ating bansa, dahil tuloy na tuloy na ang eleksiyon sa buwan ng Mayo 2022.

Gaya ng bansang Amerika, kahit may pandemya itinuloy ang eleksiyon.

Sa Amerika, maayos ang botohan, disiplinado ang mga botante, kung mayroong karahasan ay dahil sa mga protesta pero natapos ang eleksiyon.

Dito sa Filipinas, malayo pa ang araw ng botohan nagkakagulo na, sa kampanyahan pa lang tiyak na tiyak dahil nandiyan ang mga kamayan at mga miting at pagbabahay-bahay ng kandidato, kaya paano ito maiiwasan sa panahon ng pandemya.

May suhestiyon na online campaign, paano ‘yung FB messenger na puwedeng magkaroon ng bayaran? Hindi pa rin ito iwas gastos, sa aking tingin mas malaki ang gastos ng kandidato dahil malayang ma­sa­sabi ang gustong hingin na daraanin sa paghingi ng tulong.

Matindi pa sa kompron­tasyon ang online campaign dahil mas deretsang masa­sabi ng isang botante ang kanyang presyo para ibigay ang kanyang boto.

Sana hindi umubra ang online campaign. Sa buwan ng Oktubre magsisimula ang paghahain ng certificate of candidacy.

Sigurado ubus-ubos ang mga kandidato sa rami ng naghirap ngayong pandemya.

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Mga mungkahi sa susunod na DepEd chief

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BAGO pa siya manumpa sa tungkulin bilang Kalihim ng …

Dragon Lady Amor Virata

Calixto ng Pasay ‘di kayang gibain

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KUNG mayroon man may lakas ng loob na labanan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *