Thursday , June 25 2026

Julia at mga kapatid, nakalikom ng P650K para sa emergency quarantine facility ng isang ospital

PARANG nananahimik lang si Julia Barretto tungkol sa kung may personal project siya o wala kaugnay ng Covid-19.

 

Parang ang nai-publicize lang na involvement n’ya ay doon sa Pantawid ng Pag-ibig ng Kapamilya Network na patuloy pa rin namang tumatakbo hanggang ngayon.

 

Pero may personal fundraising project naman pala siya na may kinalaman sa kasalukuyang pandemic. Kasama n’ya sa proyektong ParaMayBukas ang ate n’yang si Dani at ang nakababatang kapatid na si Claudia.

 

Nakalikom na pala sila ng P651,952.22 para ipagpatayo ng emergency quarantine facility ang Fe del Mundo Medical Center sa Quezon City.

 

Pagbabalita ni Julia kamakailan sa Instagram n’ya: “Good news! Our fundraiser #ParaMayBukas has already reached its 600,000PHP goal but because of your generosity and support we ended our fundraiser with more— 651,952.22PHP!!! 

 

“My sisters Dani, Claudia, and I want to thank everyone who took part in this mission. This was a success because of all your support and help. ♥️ 

 

“We will continue to post updates and progress. Again, thank you very much.” 

 

Ibinalita rin n’yang nagsisimula nang i-establish ang nasabing facility.

 

Kapuna-punang tumigil na sa pagiging kontrobersiyal ang mga Barretto mula noong tumigil na ang parang magkakamping magkapatid na Gretchen at Claudine laban sa ina ni Julia na si Marjorie noong pumasok ang 2020.

Block Z, palabas na sa iWant

Samantala, sakaling ‘di n’yo pa alam, ang horror thriller movie na Block Z nina Julia at Joshua Garcia ay ipinalalabas na sa iWant streaming ng ABS-CBN. Sa halagang P30 lang ay mapapanood n’yo ang pelikula  ng paulit-ulit sa loob ng pitong araw.

 

Ang Block Z ang huling pelikulang nagawa nina Julia at Joshua bago masangkot ang aktres sa isang umano’y lihim na relasyon kay Gerald Anderson bunga ng pagtatambal nila sa pelikulang Between Maybes na isinyuting nila sa Japan.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …