Sunday , May 19 2024

Christopher, pwede nang umuwi ng bahay

HINDI naman pala sa bahay nila ng misis n’yang si Sandy Andolong sa Paranaque nagpa-quarantine si Christopher de Leon pagkatapos siyang ma-test na positibo sa coronavirus kamakailan.

Nagpaospital naman pala siya para masuri at magamot siya nang husto.

At ayon kay Sandy, nakatakdang pauwiin ang mister n’yang kung tawagin n’ya ay “Bo” (mula sa kinagisnan na sa showbiz na palayaw ng aktor na “Boyet”).

“Kahit na kailangan pa rin n’yang uminom ng mga gamot, pinapayagan na siyang sa bahay na lang lubusang magpagaling. Malakas naman kasi si Bo, eh,” pahayag ni Sandy sa ilang showbiz reporters.

Ayon sa Wikipedia, 63 years old na ang aktor. Kumbaga ay nasa tinatawag na “high risk” category na ang edad n’ya. Siguradong nakabuti sa kanya ang magpa-test at magpaospital kahit na malusog at malakas naman ang hitsura n’ya.

Iniwasan n’ya ang posibilidad na mahawa si Sandy, ang ang anak nilang si Micah at ang kasambahay nila. Minabuti rin n’yang mag-self quarantine ‘yung tatlo sa bahay para makasigurong ‘di sila makapanhawa sakaling ma-test silang positibo.

Habang isinusulat ito, ‘di pa lumalabas ang resulta ng tests nina Sandy, Micah, at ng kasambahay.

“Mas malakas pa ako sa kalabaw!” bulalas ng aktres sa isang reporter na nakausap n’ya sa telepono.

Ayon sa manager ng mag-asawa, nagpa-kidney transplant ang aktres (Sandy) kamakailan. Pero malusog na malusog naman siya ngayon kaya’t ‘di siya dapat alalahanin.

Samantala, walang napapabalitang may nagpositibo sa mga nakatrabaho o nakahalubilo ni Boyet noong huling dalawang linggo ng taping nila ng seryeng Love Thy Woman. Ito ay ayon sa ABS-CBN, producer ng serye.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *