Sunday , May 19 2024

Nadine, dapat makipaglaban kung di totoong hiwalay

KUNG hindi naman pala sila hiwalay ni James Reid, bakit ‘di ipaliwanag ni Nadine Lustre nang payapa ang Instagram pics and captions n’ya last week tungkol sa kalungkutan ng pag-iisa na pinatulan din ng kapatid na babae ni James?

O teaser pics and captions lang ba ang mga ‘yon para sa kung anumang produkto? Kung teaser lang, bakit ‘di iginiit ‘yon ni Nadine?

Ang ilang bahagi ng kolum ni Ricky Lo ay quotes mula sa mga naglulungkot-lungkutang Instagram posts na ‘yon ni Nadine. So, mali ang bulalas ng aktres na, “none of what you wrote was true.”

Ang katoto sa panulat na si Jojo Gabinete ang unang nag-ulat (at bale “nanggulat” na rin) tungkol sa umano’y pag-aalsa-balutan ni Nadine mula sa bahay ni James sa Loyola Heights, Quezon City, na dalawang taon na silang nagli-live-in.

Dahil sa Instagram posts na ‘yon ni Nadine tungkol sa lungkot ng pag-iisa kaya kapani-paniwala ang “balitang”  nilayasan (o pinalayas?) ni Nadine si James.

Habang isinusulat namin ito, walang reaksiyon si Lo (kolumnista at entertainment editor ng Philippine Star) sa reaction post naman ni Nadine na ang pahayag ng aktres na walang pelikula at wala ring TV show ay: “First off, that was so low.”

Sinundan agad ‘yon ng: ”Second, none of what you said was true and it is never okay to use someone’s mental situation/tragic past just to prove a point. Mental illness is a very sensitive matter.”

Sweet si Lo sa ‘di pagri-react kay Nadine at ‘di pagbubuyo sa aktres na idemanda siya nito para lumabas ang kato­to­ha­nan.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *