Saturday , May 25 2024

Kasunduan ng producer ng Culion kay John Lloyd, binali?

MALAMANG na hindi na makaulit humiling kay John Lloyd Cruz ng cameo appearance si Shandii Bacolod, ang producer ng Culion, na nakatakdang i-submit sa selection committee ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF). 

Nagsalita na ang actor tungkol sa pagri-release ng teaser ng pelikula na siya ang nasa last frame.

Paglabag daw ‘yon ng pinag-usapan nila ng producer ng pelikula. Ang nangangarap makabalik sa MMFF na si Alvin Yapan ang direktor ng Culion.

Pinagbawalang sumali si Yapan sa 2017 MMFF dahil sa pagpatay niya ng aso sa Oro, ang entry n’ya sa MMFF 2016 na nagwagi ng Fernando Poe Jr. Memorial Awards. Nadiskubre ang totohanang pagpatay ng aso sa pelikula pagkatapos na ng awards night ng 2016 MMFF, at naging dahilan ‘yon para bawiin ang award ng pelikula.

Sa isang text message sa ANCX website ipinabatid ni John Lloyd ang pagkadesmaya sa pagkakasali n’ya sa teaser ng Culion.

Buga n’ya sa text: “I thought including me in the teaser was preemptive. It was the opposite of what I actually requested and agreed on.

But as much as I am drawn to the idea of letting my work, of any kind, have its own life and take its own course in terms of output (unmindful of how it mutates, grows and sometimes gets diminished) I am also wary of misleading an audience. That wouldn’t be fair. Hence, I felt compelled to clarify my participation in the film,” dagdag pa n’ya.

Malamang na ilang minuto lang talaga ang paglabas n’ya sa Culion kaya ‘di n’ya itinuturing ‘yon na pagka-comeback.

Dahil attempt pa lang ni Yapan ang Culion na pagbabalik-MMFF, sana ay ‘di makaapekto sa selection committee ang ibinunyag ni John Lloyd na paglabag ng producer sa kasunduan nila.

Ang Culion ay isang period movie na ang time setting ay Dekada 1940. Tungkol ito sa buhay sa isla Culion sa Palawan na isang community para sa mga may sakit na ketong. Ang premyadong manunulat na si Ricky Lee ang may gawa ng script. Nasa lead cast ng pelikula sina Iza Calzado, Meryll Soriano, Jasmine Curtis-Smith, Joem Bascon, at Mike Liwag.  Tungkol naman kay Direk Yapan, bagama’t noong 2017 lang siya suspendido sa pagsali sa MMFF, wala siyang isinumiteng entry para sa 2018 MMFF.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Joel Cruz at mga anak rumampa sa Filipinxt Fashion Show sa NY

MATABILni John Fontanilla HINDI malilimutan ni Lord Of Scents at CEO & President ng Aficionado Germany …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Beaver sa pagpasok sa isang relasyon: gusto ko handa na ako

MA at PAni Rommel Placente SA nagdaang Star Magic Prom 2024, na ginanap sa Bellevue Hotel noong …

Albie Casino

Albie proud maging ama, iba ang sayang naramdaman

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Ogie Diaz sa vlog nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh na Showbiz Update, na …

Jeraldine Blackman Anna Magkawas

Jeraldine Blackman may espesyal na diet

RATED Rni Rommel Gonzales ANG Blackman family ay pamilya ng content creators na naka-base sa Australia. Ito …

Caris Manzano Aica Veloso JD Aguas Jenn Rosa

Caris Manzano nagka-trauma, tinangkang halayin ng amain

RATED Rni Rommel Gonzales TRAUMATIC para sa Vivamax actress na si Caris Manzano ang attempted sexual harassment sa kanya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *