Saturday , April 27 2024

Western Union, kinondena ng mga Fil-Am

KINONDENA ng mga Filipino na permanenteng citizens na sa Amerika ang Western Union of the Philippines na kanilang pinagpapadalhan ng dolyar para sa kanilang mga mahal sa buhay dito sa Filipinas na imbes dolyares ‘e pesos ang ibinibigay sa claimant o sa pinadalhan.

Ibig sabihin Philippine peso na ang natatanggap at malaki ang kaltas ng dollar rate kompara sa black market o money changer shop sa bansa, na halos singkuwenta sentimos ang kaltas sa tunay na palitan ng dolyares.

***

Ayon sa mga nagreklamo na nakabase sa San Diego California, nagpadala sila ng US$500 para sa kanyang kapatid na naka-confine sa ospital at sasailalim sa isang maselang operasyon, pero nang kanyang puntahan at kunin ang pera sa Western Union imbes dolyar ang kanyang makuha, Philippine peso na. Nadiskubre niya na mas mababa ng singkuwenta sentimos sa black market o sa ibang money changer shop.

***

Kinuwestiyon umano ng source ang dalawang em­ple­yada na bakit imbes dolyar ang ibigay sa kanya, pinalitan na ito ng Philippine peso. Sagot umano ng mga emple­yada, ubos na ang dolyar nila gayong siya ang kauna-unahang kos­tumer sa nasa­bing esta­blisi­miyento na ma­tatagpuan sa Libertad corner P. Burgos, Pa­say City. Okey lang daw na palitan ng Phil. Peso ang sine­sentemyento ng source at mas mababa ang palit ng ipi­na­dalang dolyar sa kanya kom­para sa ibang money changer shop na halos katapat ng Western Union branch na kanyang pinuntahan.

Nalaman niya, mas mataas ang palitan sa banko na mas mababa lang ng kinse sentimos sa black market.

***

Nalaman ito ng nagpadala at isinumbong sa inyong lingkod, kaya sa susunod daw na padala ay hinding-hindi na tatapak pa sa Western Union!

Isa pang reklamo ay mas pinapaboran ng Western Union ang may malaking remittance dahil mas malaki ang kanilang kikitain sa singkuwenta senti­mos na dapat ay palitan ng dolyar kaya kahit mayrong available na dolyar sasabihin ay ubos na! Dahil naka­reserba na pero ang totoo Philip­pine Peso rin ang ibibigay sa reci­pient, ‘yun nga lang mas malaking halaga na dolyar ang ipinadala ng sender.

Halimbawa, kung ang sender ay US$500 ang ipinadala sa recipient, sa sing­kuwenta sentimos na kulang ay may­roon na silang P250.00, paano kung umabot sa mas malaking hala­ga ng dolyares ang natatanggap ng Western Union buhat sa iba’t ibang bansa mula sa iba’t ibang sender ‘di lamang sa bansang Amerika, higit na mas malaki ang naiipon para sa Western Union dahil sa singku­wenta senti­mos na nakukupit nila sa tunay na palitan ng dolyar.

No choice ka dahil kailangan mo ‘yung pera! Buwa-ka-ng-inang western union ‘yan! Secured ang dolyar mo na ipinadala pero hindi secured sa Western Union!

Dahil sila mismo ang kumukupit!

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *