Tuesday , June 25 2024

Kris, naudlot ang show kay Tunying at pagiging co-host kay Willie

LAGING tinatanong si Kris Aquino kung kailan ba siya babalik sa telebisyon para muling gumawa ng sariling show. Pabiro niyang isinasagot na, ”They don’t want me.” Pero sa kanyang blog at Facebook post, ini-reveal ni Kris na muntik na sana siyang makabalik sa telebisyon.

Una ay sa ABS-CBN sa isang show na pagsasamahan sana nila ni Anthony “Tunying” Taberna noong 2016 na kung makikita sa larawang naka-post sa blog ni Kris ay may titulong Kris Tunying. Sumunod naman ay sa GMA noong 2017 sa naudlot na pagiging co-host niya sana kay Willie Revillame sa programa nitong Wowowin.

Kung tutuusin ang rebelasyon ni Kris tungkol kina Tunying at Willie ay nasa huling bahagi na ng kanyang post. Nasa P.S. na nga ito o kung tawagin natin ay pahabol sulat. Pero siguradong ito ang mas pag-uusapan.

Ayon sa post ni Kris tungkol sa naudlot niyang pagbabalik sana sa telebisyon, ”P.S. this didn’t happen because we didn’t impress management; ABS-CBN had tried in the early months of 2016 to tape a pilot for Anthony Taberna and myself. there’s no non-disclosure agreement so i’m posting this for the 1st time because i had seen it while organizing my iCloud pictures and videos. Our pilot wasn’t approved (i am owning not having asked for more off camera readings, bonding sessions, freewheeling discussions followed by camera rehearsals before the actual taping of the pilot which management viewed.)….

“…And lastly, you might wonder why i have such a soft spot for Willie Revillame, apart from Kuya Josh’s love for him, i don’t think willie will get upset if i share with you that he had tried to get me a 1 taping (so that would be 3 episodes) trial to co-host Wowowin back in late 2017 to early 2018. Again i’ll repeat, I understand political realities and Willie was told by his network that they shouldn’t rock the boat with the current administration by having me. Willie owes me and my family absolutely NOTHING. Yet he wanted to help open a door for me on free TV with no foreseeable gain for him, only that he felt we may have good on screen chemistry and he’s always been aware of kuya josh’s loyalty to him (yes, sinundan ni kuya si tito willie sa TV5 & ngayon sa GMA7)… There, straight from me- no need to continue with the nasty words and mean-spirited comments na ‘laos’ ako. 

“Tanggap na tanggap ko po kung saan ang kinatatayuan ko ngayon. Pero parating pinaaalala sa‘kin- tuloy ang ikot ng mundo, hindi ito nilalabanan, ito’y sinasabayan at sinisikap na mapulutan ng mga mahalagang aral at pampatibay na mga alaala.”

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

 

 

About Glen Sibonga

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, …

BGYO

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation …

Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA …

AR dela Serna Harry Roque

Sino nga ba si AR dela Serna na laging kasa-kasama ni Harry Roque sa Europe?

HATAWANni Ed de Leon MAY ilang nagpadala sa amin ng messages ilang araw na at …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *