Friday , January 28 2022

Rhea Tan, nakiusap, ‘wag intrigahin ang pagpasok ni LT sa Beautederm

PAKIUSAP ng Beaute­Derm CEO and owner na si Rhea Anicoche Tan na huwag intrigahin ang pagpasok ni Lorna Tolentino sa BeauteDerm family bilang latest ambassador.

Paliwanag ni Ms. Rhea, walang pinapalitang endorser si Lorna sa mga nauna nang ambassadors ng BeauteDerm. Dagdag sa dumaraming endorsers ng BeauteDerm si Lorna kaya hindi dapat lagyan ng kulay o intrigahin.

At saka ibang age bracket po kasi si Ate LT, since 50 na nga siya, sa kanya po napunta ‘yung gold products namin. ‘Yung mga nauna na po nating endorsers ay nasa age na 20s, 30s, 40s. Now mayroon na tayo sa 50s age bracket. And soon po magkakaroon na rin tayo ng teens and young adults, even for kids. Gusto po kasi natin na magkaroon tayo ng endorsers sa lahat ng age bracket. Kaya sana huwag nang gawan ng isyu o intrigahin pa si Ate LT,” pakiusap ni Ms. Rhea.

Segunda naman ni Lorna, “Oo nga huwag na ‘yung mga intriga-intriga. Be happy na lang po tayong lahat. I’m just happy and proud na bahagi na ako ng lumalaking pamilya ng BeauteDerm.”

Timing naman sa selebrasyon ng award-winning actress at tinaguriang Grandslam Queen ng kanyang ika-50 years sa showbiz ngayong taon ang pag-launch sa kanya bilang bagong BeauteDerm ambassador, na itinuturing niyang golden moment sa kanyang golden anniversary sa showbiz. “Since ten years na ang BeauteDerm at 50 years na ako sa showbiz, sa business na ito, iyon na ang golden moment ko,” sabi ni Lorna.

Ayon pa kay Ms. Rhea, ”Dahil nga 50 years na siya sa showbiz, icon na siya. Tamang-tama po sa kanya ‘yun especially the new product kasi it’s gold, it’s really LT. LT is LT!”

Ano naman ang napatunayan ni Lorna sa BeauteDerm? “Napatunayan ko sa BeauteDerm na ‘pag talagang gumamit ka ng produkto talagang mahusay. And aside from that, ang maganda roon pwede kang magnegosyo na rin, maging reseller ng product nila, na nakapagbibigay ng magandang kinabukasan sa mothers din na gusto nilang kumita, kahit siguro pati fathers din at the same time pwedeng kumita sa BeauteDerm. Kasi hindi lang naman sa babae pwede ang BeauteDerm, pwede rin sa boys ito ha. Kasi marami ring lalaki na gustong maganda ang kutis nila,” say ni LT.

Sa 50 years niya sa showbiz ano ang naging realization niya? “Sa past 50 years, nae-excite pa rin ako ‘pag may mga work na talagang gustong-gusto ko like ito sa work ko with BeauteDerm. Happy ako na at least kahit paano nakakapag-endorse pa ako ng isang skincare line and all the other products.

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

About Glen Sibonga

Check Also

Nadine Lustre Tattoo

Nadine muling nagpa-tattoo sa braso

MATABILni John Fontanilla IPINAKITA ni Nadine Lustre ang bagong dragon tattoo sa kanyang braso na umabot hangang …

Sean de Guzman

Sean miss na ang pagsasayaw
BIBIDA NAMAN SA ISANG SERIES

NAKAUSAP ko si Sean de Guzman lately in a serious note. Totoo palang miss na miss na rin …

Jos Garcia

Jos Garcia apektado ng lockdown sa Japan

MATABILni John Fontanilla LOCKDOWN ngayon sa Japan dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid 19 …

Iya Villania Drew Arellano Antonio Primo Alonzo Leon Alana Lauren

Iya, Drew at mga anak okey na

RATED Rni Rommel Gonzales BUMALIK na sa kanyang trabaho sa 24 Oras ang host na si Iya Villania matapos …

Marian Rivera Dingdong Dantes Zia Ziggy

Dingdong at pamilya nagpositibo sa Covid

RATED Rni Rommel Gonzales INIHAYAG ni Dingdong Dantes na nagpositibo siya at ang kanyang pamilya sa coronavirus …

Leave a Reply