Friday , July 26 2024

Darla, pinasaya ni Kris

MAGBI-BIRTHDAY si Kris Aquino pero siya pa ang namimigay ng regalo. Nitong weekend ay pinasaya ni Kris ang kanyang loyal friend na si Darla Sauler. Tuwang-tuwa nga si Darla sa mga regalo ni Kris pati na rin ng mga anak nitong sina Bimby at Josh.

Isang bagsakan na mga regalo para sa Christmas, Chinese New Year, Valentine’s Day at pati birthday gift ang natanggap ni Darla.

Love na love ni Kris si Darla dahil hindi siya iniwan nito anuman ang mangyari. Kahit hindi sila madalas magkita at magkasama ay nanatiling loyal si Darla at buo ang suporta kay Kris.

Ipinost pa ni Kris sa kanyang Instagram ang picture ni Darla kasama si Bimby with the gifts. Kasama nito ang caption na, “May utang kaming birthday gift for 2018 (our Christmas gift was for the family)… we combined gifts for Chinese New Year, Valentine’s, and a THANK YOU for loving us come what may, and for the genuine and lifelong friendship we’ll always share.

“Life is short…while i have the chance to express my feelings: i miss you like crazy & i will always love you @darla.”

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

About Glen Sibonga

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *