Saturday , December 2 2023

Rico, kinilala ang galing ng New York Times; Burol, dinagsa ng fans

HINDI napigil ang pagdagsa ng mga tagahanga sa burol ng music icon na si Rico J Puno sa Sanctuario de San Antonio sa Mc.Kinley Road, Forbes Park, Makati. Gayunman, sa tulong ng mga pulis at security ng simbahan ay napanatili ang kaayusan lalo na sa loob ng burulan.

Dumagsa rin ang maraming celebrities na nagbigay pugay kay Rico. Lahat sila ay nagpahayag ng kalungkutan dahil ang pagpanaw ni Rico ay itinuturing ngang isang malaking kawalan sa industriya ng musika sa ating bansa. Sinasabi nga nila na nawalan din ng pagkakataon ang maraming mga baguhang singers na makapag-concert din, dahil sa totoo lang maraming baguhan ang nagka-concert dahil pumapayag si Rico na suportahan sila at iyon ang katiyakan na may manonood sa kanila.

Ang kasikatan ni Rico ay hindi lamang sa Pilipinas. Maging ang New York Times, isa sa pinakamalaganap na diyaryo sa US ay naglabas din ng istorya sa pagkamatay ni Rico. Kinilala rin nila ang kanyang ginawang pagpapasikat ng mga American song na hinaluan ng mga salitang Filipino.

Lahat halos ay nagsasabi, wala pa silang nakikitang sino man na maaaring pumalit kay Rico. Hindi lamang dahil sa rami ng nagawa niyang hit songs kundi ganoon din sa mga idea niya sa mga kanta, pagpapatawa, at maging bilang isang actor.

Ang mga social media platform ay napuno rin ng mga video ng mga awitin ni Rico, at maging ng isang eksena sa mga TV show na kanyang nagawa, gayundin ang layout ng kanyang mga pelikula. Sinasabi nga nila na ang mga iyon ay collectors’ items na ngayon.

Hindi lamang showbiz ang nagluluksa. Ganoon din naman ang pagluluksa ng local na pamahalaan ng Makati na pinaglingkuran ni Rico bilang konsehal hanggang sa siya nga ay mamatay. In fact nakapag-file na nga siya ng COC ulit bilang konsehal para sa eleksiyon sa susunod na taon. Walang sinasabi kung may kaanak siyang ipapalit, o kakalimutan na lang nila ang politika.

Sinasabing ang kanyang pagiging isang public servant ang siya namang dahilan kung bakit ang kanyang kabaong ay binalot ng bandera ng Pilipinas.

HATAWAN
ni Ed de Leon

ASOP, sa Nov. 11 na
ASOP, sa Nov. 11 na
Rhian, may spoof din ng video greetings ni Cesar
Rhian, may spoof din ng video greetings ni Cesar

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda

Vice Ganda nagpa-powertrip

HATAWANni Ed de Leon MASYADO na bang powerful, o matindi ang power trip ni Vice Ganda at …

Kelvin Miranda Darryl Yap

Kelvin Miranda pumiyok sa blind item ni Darryl

HATAWANni Ed de Leon ARAY, pumiyok ang male starlet na si Kelvin Miranda sa blind item ng …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel kay Kathryn — ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan

SAMANTALA, matapos kompirmahin ni Kathryn Bernardo ang lbreak-up nila ni Daniel Padilla, ang aktor naman ang nag-post ng …

Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

Kathryn kinompirma hiwalay na sila ni Daniel

BINASAG na ni Kathryn Bernardo ang kanyang pananahimik. Inamin nitong hiwalay na sila ni Daniel Padilla. Idinaan ng …

Robi Domingo Andrea Brillantes Daniel Padilla 

Robi Domingo iginiit ‘di niya in-unfollow sina Daniel at Andrea: hindi ko naman kasi talaga sila pina-follow 

NILINAW ni Robi Domingo na hindi totoo ang mga naglalabasang tsika na in-unfollow niya sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *