Thursday , January 20 2022
A Song of Praise (ASOP) Music Ferstival
A Song of Praise (ASOP) Music Ferstival

ASOP, sa Nov. 11 na

SA November 11 na gaganapin sa New Frontier Theater ang ikapitong finals night ng ASOP, o A Song of Praise, isang kompetisyon ng mga kumpositor at mang-aawit ng gospel music. Iyan ay naglalaban-laban sa isang TV show, iyong ASOP na napapanood naman sa UNTV 37, at pinangungunahan ng kanilang mga host na sina Richard Reynoso at Toni Rose Gayda.

Ang layunin talaga ng ASOP ay mas gawing popular ang gospel music. Wala silang pinipili, kahit na anong sekta ang iyong relihiyon maaari kang sumali sa ASOP, at maaari mo ring magustuhan ang kanilang musika.

Mapapanood iyon ng live sa UNTV 37, maririnig din sa radyo La Verdad, bukod pa nga sa live streaming sa kanilang mga social media pages. Kung gusto rin naman ninyo, maaaring mapanood din iyon ng live, nang libre. Humingi lamang kayo ng tickets sa UNTV.

Pagkatapos ng finals, ang lahat ng 12 kanta ay isasalin din sa CD, na ipinamimigay din nila ng libre sa lahat ng manghihingi ng kopya niyon. Iyan ay dahil sa paniniwala nila na ano man ang iniaalay sa Diyos ay hindi dapat gagamitin sa negosyo. Kaya ang lahat ng may kinalaman sa kanilang mga gospel music ay libre.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Rico, kinilala ang galing ng New York Times; Burol, dinagsa ng fans
Rico, kinilala ang galing ng New York Times; Burol, dinagsa ng fans
Rhian, may spoof din ng video greetings ni Cesar
Rhian, may spoof din ng video greetings ni Cesar

About Ed de Leon

Check Also

Maria Ozawa Jose Sarazola

Chef Jose at Maria ‘di kinaya ang LDR kaya naghiwalay

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Chef Jose Sarasola na hindi nila kinaya ng Japanese celebrity na …

Jessy Mendiola

Jessy pinalagan basher na bumasag sa hilig niyang mag-exercise

MA at PAni Rommel Placente ISA pang pumatol sa basher ay si Jessy Mendiola. Nag-comment kasi …

Rabiya Mateo

Basher na kumuwestiyon sa pag-arte ni Rabiya nag-deactivate ng account

MA at PAni Rommel Placente NOONG Lunes ay nag-post si Rabiya Mateo ng photos niya na tumutulong …

Blind Item, Mystery Man, male star

Aktor mabilis naglaho ang boy next door appeal

HATAWANni Ed de Leon MGA ilang buwan lamang ang nakararaan, poging-pogi ang dating ng isang male …

Vilma Santos

Ate vi nagsalita na sa tunay na dahilan ng pagtalikod sa politika

HATAWANni Ed de Leon NGAYON, maging ang mga kritiko ay nagsasabing talagang napakahusay gumawa ng …

Leave a Reply