Sunday , December 5 2021
Carlo Aquino Angelica Panganiban Exes Baggage
Carlo Aquino Angelica Panganiban Exes Baggage

Carlo at Angelica, walang relasyon pero grabe ang sweetness

BUWISIT na buwisit ako sa sweetness nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban sa last Sunday’s episode ng Gandang Gabi Vice. 

Inggit na inggit ako sa estado ng kanilang relasyon ngayon na sinasabi nilang komportable lang sila sa kanilang sitwasyon.

May mga naglabasang hawak kamay to the highest level ang dalawa sa socmed.

Ganoon ba ang magkaibiagn lang o may espesyal na relasyon o talagang mag-jowa na sila?

Bagay sila actually at naging sila naman na noon pa. Ang naging dahilan pala ng hiwalayan nila noon ay si Maja Salvador na isa ring gandarita!

Naku Angelica at Carlo, kung ano man ang ipino-promote ninyong pelikula ngayon, bahala na si Batman. Basta ang alam ko ay mas bagay sina Angelica at Zanjoe Marudo sa umaaribang daytime series nilang PlayHouse ng GMO Unit ng Kapamilya Network.

Huwag mong sabihin Carlo na papasok ka na rin sa serye huh! Panggulo ka lang sa tambalang ZanGel! (Papasok po talaga si Carlo sa Playhouse, ayon na rin sa interview namin sa aktor—ED)

REALITY BITES
ni Dominic Rea

About Dominic Rea

Check Also

Blind Item, showbiz gay, male stars models

Maimpluwensiyang showbiz gay trip i-video ang kakaibang ‘date’

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng loob ng isang showbiz gay. Mukhang marami na siyang naiipong pictures at …

Tony Labrusca

Tony Labrusca bumaba ang popularidad

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN lang namin, mukhang napakabilis yata ng pagbaba ng popularidad ni Tony Labrusca. May …

James Reid Nadine Lustre Jadine Ikea

Career nina James-Nadine mag-survive kaya kahit hiwalay na?

HATAWANni Ed de Leon NAKITA sina James Reid at Nadine Lustre sa isang shop noong isang araw, pero maliwanag namang hindi sila magkasama. …

Albie Casino, Andi Eigenmann, Jake Ejercito

Albie milyon ang nawala dahil kay Andi

MA at PAni Rommel Placente NAIINTINDIHAN na namin kung bakit hanggang ngayon ay galit at …

Blind Item, Man Woman Fighting

Aktor at aktres panay ang dyombagan

FACT SHEETni Reggee Bonoan AWAY-BATI ang drama ng magkarelasyon na ito at matindi silang mag-away dahil …

Leave a Reply