Wednesday , May 29 2024

Resorts World Manila tragedy

Dragon LadyMATAGAL bago makakalimutan ang naganap na trahedya sa Resorts World Manila (RWM) na ikinamatay ng 37 katao na pawang mga empleyado at guest player ng nasabing Casino.

Hindi lamang mga manlalaro sa Casino ang naapektohan ng stampede, maging ang mga kumakain lamang sa mga restaurant at pamilyang nanonood sa sinehan ay kasama sa mga nagsitakbo na kanya-kanyang hanap ng matataguan!

***

Maraming espekulasyon, lalo na ang pulisya na nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa lone gunman na dahilan ng pagkamatay ng 37 katao. Pilit na sinasabi ng pulisya na hindi miyembre ng ISIS o Maute ang nag-iisang salarin, e sino nga ba? Nahihirapan ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek na sinunog bago nagbaril sa kanyang sarili sa loob ng Room 510 ng RMW Hotel.

***

Lumilitaw na pabago-bagong pahayag sa media people ni NCRPO  Director Oscar Albayalde kaya imbiyerna ang mga taong sumusubaybay sa mga balita sa RMW tragedy, at panay ang tanong sa inyong lingkod, na ano ba talaga ang totoo? Ang police reporters ng iba’t ibang pahayagan ay dumedepende lamang sa imbestigasyon ng pulisya at kung ano ang sabihin sa kanila ay ‘yun ang kanilang iuulat, kaya imbiyerna na rin ang mga media people from print and broadcast.

***

Isang aral sa lahat na mahilig mag-casino ang naganap sa Resorts World Manila, siguraduhin muna ang establisyemento, ang mahalaga ay fire exit, dahil ito ang magliligtas sa inyo! Dahil sa putok ng baril ng suspek kaya may mga nagdesisyon na maghanap ng matataguan, lingid sa kaalaman ng mga biktima ay nagbuhos ng gas ang suspek at nagsunog, kaya ang maitim na usok na bumalot sa 2nd floor ay pumasok sa kasingit-singitan ng mga butas sa lugar na pinagtaguan ng mga kawawang biktima. Ang ikinamatay ng mga biktima ay suffocation. Kahit binuksan ang water Sprinkle ng Casino Hotel, hindi ito nakaya, dahil makapal na makapal na ang usok!

***

Mahalaga na kahit saan man tayo pumunta lalo sa isang gusali ay dapat alamin ang tamang fire exit o lagusan na puwedeng takbuhan upang mailigtas ang sarili sa oras ng sunog o lindol!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Katotohanan sa likod ng kuwento ni Guo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAAKALA marahil ni Mayor Alice Guo na nagbibigay siya …

Dragon Lady Amor Virata

Hindi lahat ng huwes ay matino

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA HALIP na magkaloob ng hustisya at protektahan ang …

Sipat Mat Vicencio

Tigas ng mukha ni Senator Bato

SIPATni Mat Vicencio “TO Bato dela Rosa, who stuck it out with me to the …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Cyberlibel vs Tony Leachon ‘resulta’ ng iresponsableng  pahayag sa social media

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MAHIRAP talagang masanay na isang social media icon lalo na kung …

YANIG ni Bong Ramos

Former PDEA agent Jonathan Morales, walang masustansiyang sinabi sa Senate hearing, nuknukan ng sinungaling

YANIGni Bong Ramos WALANG NAPALA, walang nahita at walang nakuhang konkreto ang Senado sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *