Saturday , April 13 2024

Dynamic duo ng kabulastugan

00 Asar TaloAMMAN, Jordan — Marami akong natanggap na reklamo mula sa overseas Filipino workers (OFWs) dito laban sa nagngangalang Marjorie T. Majorenos at Dionisio “Jun” Daluyin, Jr. Reklamong galing sa mga miyembro at mismong kapwa nila “lider” ng grupo.

Biro n’yo, mga padrino ko, ginugulo raw nitong sina Majorenos at Daluyin ang organisasyon ng OFWs para sila ang tingalain at katakutan ng kapwa nila OFWs hindi lamang dito sa Amman kundi sa buong Jordan!

Susmaryosep!

Mayroong tatlong organisasyon ng OFWs dito na ang orihinal at unang itinatag ay Filipino Organization (FilOrg) na pinamumunuan ni Tessie Superio. Ang isa pa ay United Filipino Organization (UFO) ni Evangeline Ybo at ikatlo, ang Federation of Filipino Associations in Amman (FEFAA) ni Luciana Obejas.

Si Majorenos, na tubong El Salvador City, Misamis Oriental, ay dating spokesperson ng FilOrg dahil sa kanyang puwesto bilang presidente ng Heritage Group. Nagbitiw daw siya sa Heritage at lumipat sa Bantay at Kasangga ng OFW Int’l, Inc., Jordan Chapter, na pinamumunuan naman ni Jun Daluyin.

Bago lumipat sa FilOrg, si Majorenos, ay ingat-yaman siya ng UFO na nagulo nang kanyang paratangan sina Ybo at iba pang opisyal ng iregularidad. Napilitan siyang umalis sa UFO dahil nagalit na sa kanya ang lahat nang mga miyembro nito na naghahangad ng kaauysan at kapayapaan sa organisasyon.

Itong si Daluyin daw ang nagturo kay Majorenos na guluhin ang UFO kasi gusto nilang angkinin ang organisasyon na inakala nilang magbibigay-daan para makontrol nila ang lahat ng organisasyon dito.

Nabigo sina Majorenos at Daluyin sa kanilang maitim raw na binabalak sa UFO kung kaya’t nang lumipat si Majorenos sa FilOrg ay pilit naman niyang inaagaw ang puwesto ni Superio bilang presidente dahil ang gusto niyang mamuno ay si Jun Daluyin.

Katunayan, habang nasa ibang bansa si Superio ay tinangka ng hindoropot na sina Majorenos at Daluyin na patalsikin si Superio sa kanyang puwesto sa isang meeting na ginanap sa bahay mismo ni Daluyin. Nagtagumpay ang “impeachement” laban kay Superio at si Daluyin ang hinirang na presidente ng FilOrg.

Pero ilang araw lang ay isinauli ni Daluyin kay Superio ang puwesto dahil ayaw ng mga miyembro ang naging proseso sa pagpapalit ng liderato at maraming nagalit sa sa kanya at kay Majorenos.

‘Yan ang napala n’yo!

Mula noon ay sina Marjorie T. Majorenos at Dionisio “Jun” Daluyin, Jr., ay binansagan bilang “Dynamic Duo” na hindi mapaghiwalay sa kanilang masasamang hangarin.

Dynamic duo raw ng kabulastugan. Sikat!

Alamin!

***

Sa isang meeting ng FilOrg ay pinakiusapan ng mga opisyal, sa pangunguna ni President Superio, si Jun Daluyin na maging officer-in-charge ng grupo. Bukod sa mga opisyal, ang mismong misis ni Daluyin ang nagkumbinsi sa kanyang tanggapin ang alok na maging OIC ng samahan.

Tumanggi si Daluyin na tanggapin ang posisyon at marami siyang ibinigay na dahilan.

Pero biglang galit na sumigaw si Marjorie T. Majorenos ng “Tanggapin mo na at kung hindi ay aawayin kita pag-uwi natin sa bahay!” At agad tinanggap ni Daluyin ang alok na maging OIC.

Sus, ginoo!

Biro n’yo, mga padrino ko, mismong si misis na nga ni Daluyin ang nagkumbinsi sa kanya pero tinanggihan pa rin niya. At nung si Majorenos ang sumigaw na tanggapin niya ang alok, e, agad niya itong tinanggap.

Si Majorenos ay isang dalaga na nakatira sa bahay ng mag-asawang Daluyin. Hindi nila ito kamag-anak pero matagal nang doon daw nakatira sa bahay ng mag-asawa.

Nang malaman ng ibang OFWs ang pangyayari ay nagtaka sila kung ano raw ang relasyon nina Majorenos at Daluyin.

Sabi ng isa, kung siya raw si misis ay “dunggulin ko ang nguso ni Marjorie” samantala ang isa naman ay “Patay sila sa akin!”

Ano nga kaya ang relasyon nireng “Dynamic Duo” na naging kontrobersyal sa kanilang kabulastugan daw sa mga organisasyon? Nagtatanong lang po!

Abangan!!!

***

Para sa komentaryo: [email protected]

ASAR TALO – Dodo R. Rosario

About Dodo Rosario

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Dragon Lady Amor Virata

OIC chief of police, kapuri-puri

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUMARAP kamakailan si OIC Chief of Police ng lungsod …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *