Wednesday , February 21 2024

Kathryn, feeling beautiful ‘pag darating sa set

MAGING si Kathryn Bernardo ay may kakaibang attitude rin kapag may shooting, kuwento pa ng aming source.

Feeling beautiful daw ito tuwing darating sa set. Alam naman kasi niya na hindi siya kagandahan kaya idinadaan na lang nito sa heavy make-up with contact lens plus fake eyelashes. Sa set nga raw maya’t maya raw ang re-touch ng kanyang make-up artist kahit hindi pa niya eksena.

Tulad nang pagyayari sa isang pelikulang ginawa nila ni Daniel Padilla. Ang role niya ay isang  student na simple lang ang beauty kaya siya nagustuhan ni Daniel.

May eksena ang dalawa na kailangang halos walang make-up ang young actress. May mga close-up scene sila ng young actor plus solo shot niya habang nagda-dialogue.

Before the take, rehearsal muna sina Kathryn at Daniel sa eksenang kukunan. Nang actual take na, lapit agad ang personal make-up artist ng dalaga para i-retouch ang make-up nito. Napansin ng director sa monitor ang eyelashes ni Kathryn, over yata sa mascara kaya pinatanggal ang fake na pilikmata dahil ang pangit tignan sa screen. Deadma lang ang young actress, para raw wala itong narinig.

Hindi tuminag sa  kanyang kinatatayuan si Kathryn, naka-simangot daw ito na para bang nagmamaktol.

Para matapos na lang ang eksena, hinayaan na lang daw ng director sa gusto nitong mangyari.

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

About Eddie Littlefield

Check Also

Ferdie Estrella Abot Kamay Na Pangarap

Mayor ng Baliwag umalma sa serye ni Jillian, GMA Execs humingi ng paumanhin  

NAG-COURTESY visit sina GMA Assistant Vice President for Drama Ali Nokom Dedicatoria at Abot Kamay Na Pangarap Executive Producer Joy …

Kiko Ipapo Beauty Gonzales

Kiko Ipapo hindi issue kung matanda o bata ang magiging GF 

MATABILni John Fontanilla HINDI issue sa baguhang aktor na si Kiko Ipapo kung mas bata o may …

Tikoy Aguiluz

Premyadong direktor na si Tikoy Aguiluz pumanaw na 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAMAYAPA na ang veteran film director na si Tikoy Aguiluz kahapon, February 19 sa …

Andrea Brillantes

Andrea Brillantes itetengga muna ng ABS-CBN?

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HOW true na hindi muna bibigyan ng project si Andrea Brillantes after Senior …

Beauty Gonzalez

Beauty G pumirma ng kontrata sa GMA — Bakit pa ba ako aarte, nagpapagawa ako ng bahay at ako ay alipin sa salapi

RATED Rni Rommel Gonzales HALOS hindi pa nagpapahinga si Beauty Gonzalez mula nang lumipat siya sa GMA noong 2021. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *