Thursday , August 18 2022

Sam at Zanjoe, nag-enjoy sa kanilang halikan

WINNER ang latest movie ng Star Cinema, ang The Third Party starring Angel Locsin, Zanjoe Marudo and  Sam Milby under the direction ofJason Paul Laxamana. Sa trailer pa lang, nag-enjoy na kami sa panonood.

Tinanong agad ng press ang tatlongbida ng pelikula kung na-experience na nilang magkaroon ng third party sa past relationship. Para kay Zanjoe, hindi pa. Feeling naman ni Sam parang mayroon, wala nga lang daw siyang ebidensiya.

Umamin si Angel na may third party sa past relationship niya kaya sila nagkahiwalay. Sa kanya na lang daw ‘yun,  atayaw na niyang mag-elaborate pa dahil tapos na.

Kung mangyari kay Angel ‘yung character na pino-portray niya as Andi na ipinagpalit ng boyfriend niya sa isang gay, matatanggap kaya niya ito? May paliwanag ang actress tungkoldito.

“Sa akin kasi napakalawak ng love for me. Ang love, walang boundaries, walang limitations, walang anything. So, pagtanggap mo ‘yung tao, kahit ano ‘yung past niya, kung anuman ‘yung baho sa kanya, tatanggapin mo. Kasi, depende‘yun sa ‘yo kung kaya mong mabuhay kasama siya o depende sa‘yo kung kaya mong mabuhay  na wala siya, kung paano siya, tiisin mong lang  kasi mahal mo siya.”

Very challenging para kay Sam ang character ni Max na boyfriend ni Christian (Zanjoe) kaya nito tinanggap ang project. Okay lang sa dalawa kung may kissing scene sila kung kailangan talaga sa eksena.

“Walang hesitation. I was excited kasi as an actor, you’re always looking for something different. A different role to challenge yourself,”sambit ni Sam.

Inamin nina Angel, Zanjoe, Sam at Direk Laxamana na kinikilig sila habang pinanonood ang sweet moment nina Z at Sam. Cute naman kasi tingnan dahil parehong simpatiko ang dalawang leading man ng magaling na actress.

Hindi na bago para kay Zanjoe ang role na gay dahil ilang beses na rin nitong ginawa sa pelikula at telebisyon ang ganoong klase ng character.

Ang importante sa actor,  maganda ang  script at ang character na ipo-portray niya kahit ano pa ang role na ibigay sa kanya. Medyo nag-adjust si Sam dahil first time nito gagawin ang ganitong tema ng istorya at character na gagampanan niya.

Kailangang ipakita ni  Sam na maging kapani-paniwala ang role na ginagampanan niya bilang lover ni Zanjoe at ex-boyfriend ni Angel kaya na-challenge siyang tanggapin ito.  May pagka-comedy kasi kaya niya ito tinanggap.

Sabi ng actor/singer, “Hindi ko ma-imagine ‘yung movie, ‘Brokeback Mountain’ ‘yung sobrang seryoso na heavy drama.”

Ayon naman kay Direk Laxamana, light lang ang mga sweet moment nina Sam at Zanjoe kaya enjoy sila pareho while doing the film.

Kuwento nga ni Sam, at first medyo awkward ‘yung sweet moment nila ni Z pero habang tumatagal, nakapag-adjust na sila sa isa’t isa.

Dagdag naman ni Zanjoe, ” Nang pinanonood ko ang ‘The Third Party’ para akong totoong bading natawa ako. The first few scenes namin ni Sam parang awkward. Nang tumagal  na pinagtatawanan na lang namin, enjoy kami pareho. ’Yung trabaho namin, hindi puwedeng kulang. Hindi puwedeng hilaw, ‘pag- pinanood mahahalata.”

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

About Eddie Littlefield

Check Also

Jaya House Burn

Jaya huming ng tulong matapos masunog ang bahay sa US

MATABILni John Fontanilla MALUNGKOT si Jaya sa pagkasunog ng kanilang tahanan sa Amerika. Anito, “The last time we …

Angelica Panganiban Camille Prats

Angelica inamin nagkaroon ng trauma ‘pag nadadagdagan ang timbang

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Angelica Panganiban sa Youtube vlog ng kaibigan na si Camille Prats, ay …

Vico Sotto

MAYOR VICO PANG ‘SENIOR’ NA ANG TUHOD
Binawalan ng sobrang paglalakad

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanyang Facebook account noong Sabado, August 13, ay ibinahagi …

Jessy Mendiola Luis Manzano baby

Jessy ibinahagi baby bump at sonogram ni Little Peanut

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASAYA at proud na ibinahagi ni Jessy Mendiola ang kanyang baby bump …

Maine Mendoza Art Atayde

Maine nakipagkulitan sa Papa Art ni Arjo 

MATABILni John Fontanilla MASAYANG ibinahagi ng awardwinning actress na si Sylvia Sanchez ang mga  photo ng bonding …

Leave a Reply