Saturday , October 23 2021

Dingdong, nabingi sa lakas ng sampal ni Angelica

KAHIT nabingi si Dingdong  Dantes  sa lakas ng sampal ni Angelica Panganiban, tuloy pa rin ang  eksena nila sa pelikulang Unmarried Wife sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes.

Okay lang sa actor na totohanin ang sampal dahil lumabas namang makatotohanan ang eksena.

Inamin ni Dingdong na first time siyang nakatikim ng ganoon katinding sampal mula sa kanyang leading lady. Napahanga ang award-winning director sa husay ng dalawa sa aktingan.

After the take, agad lumapit si Angelica kay Dingdong at nag-sorry. Nadala raw kasi ang actress sa character na kanyang pino-portray as Anne dahil sa pangangaliwa ng asawa niyang si Geoff (Dingdong).

Sa mga past relationship ni Angelica, na experience na kaya niya na mayroon pang iba?

“Ita-try mong kausapin. Sa pagkakakilala ninyo sa akin mukha lang talaga akong mataray. Pero kapag nagmahal ako, ‘yung ano, mas maintindihin, mas mahaba siguro ang pasensiya ko.

“Siguro kasi girl ako,  ‘pag may  karelasyon  ako. Babaeng-babae ako, kumbaga. Siyempre, ita-try mong kausapin, ‘di ba? Pero wala naman talaga, idi-deny nang idi-deny kahit nakita mo na. Kaya noong mga huli, tumahimik na lang ako. Hindi ko na kino-confront. Hinhintay ko na lang na mapagod ako.

“Nasa stage ako ngayon na ako lang, ako lang muna. Pagsisilbihan ko muna ang sarili ko. Mamahalin ko muna angsarili ko,”  paliwanag ni Angel sa presscon ng Unmarried Wife.

Angelica, wala pang nakikitang lalaking pagsisilbihan

Inamin ng actress na ayaw niyang tumanda mag-isa. Gusto rin niyang magka-pamilya at magkaroon ng mga anak.

“Ang ideal lang sa akin, ayaw kong tumandang mag-isa. Magkaroon ako ng special someone, anak man ‘yun o lalaki o best friend, kahit na sino. Basta ayaw ko lang tumandang mag-isa,” sambit pa ng magaling na actress.

Ini-enjoy muna ni  Angelica ang pagiging single sa ngayon. Hindi pa niya ma-imagine ang sarili na maging married woman. Hindi pa raw niya nakikita ang lalaking magiging patner niya in life.

“Wala pang nakakapagpaniwala sa akin  na kaya  kong i-surrender lahat at pagsisilbihan ko siya habambuhay,” aniya.

Direk Maryo, bumilib kay Paulo

Naging magaan para kay Direk Maryo J. ang trabaho niya bilang director dahil puro magagaling na actor sina Dingdong, Angelica, at Paulo Avelino. Hindi siya nahirapan idirehe ang mga ito lalo na sa mga dramatic scene. Mabilis ang pick-up ng mga ito sa mga eksenang gusto niyang mangyari in every scenes.

Pinabilib ni Paulo si  Maryo J.  sa mga dramatic scene nila ni Angelica. Puro take one lang ang eksena ng dalawa. Kahit first time silang nagkasama sa pelikula, madali silang nagkapalagayan ng loob, enjoy sila sa isa’t isa.

“I’m very blessed actually to work with two very good actors,” sambit ni Paulo.

Malaki ang paghanga at respeto ni  Paulo kay Dingdong kahit noong time na nasa GMA-7 pa siya. “I’ve always been looking up to Kuya Dong, not just for his talent as an actor and his artistry and his passion for films he’s producing but also as a role model para sa society natin,” papuring sabi ni Paulo.

Ganoon na lang ang pasasalamat si  Direk Maryo sa Star Cinema lalo na kina Charo Santos at Malou Santos dahil binibigay daw nito ang gusto niya (technical aspect). Nasasabi rin niya ang gusto niyang sabihin lalo na sa production.

Happy si Direk Maryo  sa kinalabasan ng  kanyang pelikula. Marami raw ang makare-relate sa pelikulang Unmarried Wife na showing on November 16 nationwide.

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

About Eddie Littlefield

Check Also

Jackie Rice gaganap daw na Valentina

NANG ilabas ng ABS-CBN ang mga gaganap sa TV series ng Darna, na pagbibidahan ni …

Blind Item, Woman, man, gay

BF ni sikat na aktres boylet din ni batang matinee idol

ANO kaya ang sasabihin ng magaling at sikat na aktres kung makakarating sa kanya ang tsismis …

Ron Angeles

Ron Angeles may experience na nga ba sa bading?

MATABILni John Fontanilla MATAPANG na inamin ni Ron Angeles sa kanyang latest vlog sa  Youtube Channel na may …

Andrea Torres

Andrea nakikipag-date na

Rated Rni Rommel Gonzales MATAPOS ang hiwalayan nila ni Derek Ramsay last year, kinompirma ni Andrea Torres na nakikipag-date …

Jennica Garcia, Alwyn Uytingco

Jennica no comment sa posibilidad na pagbabalikan nila ni Alwyn

Rated Rni Rommel Gonzales ANIM na buwan  ng hiwalay at patuloy na inaayos nina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco ang …

Leave a Reply