Thursday , June 4 2026

Direk Wenn, ‘di kabado sa darating na MMFF

051215  Wenn Deramas
WALANG kaba factor si Wenn V. Deramas kung sinasabi ng kampo ni Vic Sotto na sila na ang may hawak ng korona sa box-office sa darating na MMFF this December 2015.

Paliwanag ng all time box-office director, “Kapag nangyari ‘yun, mangyayari. Pero huwag muna nating pangunahan kapag hindi pa nangyayari. Kasi nga noong nangyari ‘yung bakbakan ng ‘My Little Bossings’, ‘yun din naman ang sinabi nila. Hindi naman nila sinabing magna- number 1 ang ‘Girl, Boy, Bakla, Tomboy’. Pero pagdating  sa huling laban, sino pa rin ang nag-number 1?,” anang magaling na director.

Bawat pelikulang kalahok sa filmfest ay nangangarap na ang pelikula nila ang mag-top. Para kay Direk Wenn, wini-welcome niya ang lahat sa showbiz, walang ownership.

Masaya ang star maker sa success na tinatamasa nina Alden Richards at Maine Mendoza. “Natutuwa ako sa ikinaaasenso ng AlDub dahil talaga naman ang charming ng babae (Maine) at napakaguwapo ni Alden. Ako mismo crush ko si Alden. Lahat tayo ay may space sa industriyang ito,” aniya.

Tatlong taong magkakasunod nag – number 1 sa takilya ang pelikula nina Direk Wenn at Vice Ganda sa MMFF. Kung sino-sino na nga ang tumapat pero hindi kinaya ang power nila

“Dapat i-welcome ang lahat ng bagay, kompetisyon man o kakampi kasi at the end of the day, kayo-kayo pa rin ang magkakasama.Napakaliit ng mundong ito para sabihin mo na sa ‘yo lang dapat ang mundong ito,” sambit pa ng magaling na director.

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Eddie Littlefield

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …