SA GITNA ng ilang mga paghihirap na dinanas ng Gilas Pilipinas sa katatapos na FIBA Asia Championships na ginanap sa Changsha, Tsina, iginiit ng Executive Director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Renauld “Sonny” Barrios na dapat ding papurihan ang 12 na manlalaro ni coach Tab Baldwin dahil sa kanilang sakripisyo ng bayan. Sa lingguhang forum ng Philippine Sportswriters …
Read More »PBA Hoops for a Cause sa Cuneta Astrodome
ISANG exhibition game ang nakatakdang gawin sa Biyernes, Oktubre 9 sa Cuneta Astrodome simula alas-siyete ng gabi upang makalikom ng pera para sa pagpapaospital ng dating PBA superstar na si Samboy Lim. Maghaharap ang Grand Slam Team na binubuo ng 1996 Grand Slam Alaska Aces at ang 2014 Grand Slam champions Purefoods Star Hotshots kalaban ang mga dati at kasalukuyang …
Read More »Underwood hugandong nanalo
Binabati ko ang lahat ng bumubuo sa samahan ng “Klub Don Juan de Manila” (KDJM) sa matagumpay nilang pakarera ngayong taon na naganap sa pista ng Metro Turf sa Malvar, Batangas. Congrats sa kanilang presidente na si Ginoong Jun Almeda. Para sa resulta ng tampok na pakarera ng KDJM ay hugandong nagwagi sa grupo ng Juvenile Colts ang kabayong si …
Read More »Valdez: Talo talaga kami sa NU
INAMIN ng pambato ng Ateneo de Manila women’s volleyball team na si Alyssa Valdez na karapat-dapat na manalo ang National University sa Game 3 ng finals ng Shakey’s V League Season 12 Collegiate Conference noong Linggo sa San Juan Arena. Kahit nagtala ang Lady Eagles ng sampung sunod na panalo mula sa eliminations hanggang sa quarterfinals ay natalo pa rin …
Read More »BUTATA ang lay up ni Andrei Caracut ng La Salle nang salubungin ng matikas na braso ni Chibueze Ikeh katuwang si Arvin Tolentino ng Ateneo sa kanilang laban sa UAAP Season 78 first round eliminations sa MOA Arena. (HENRY T. VARGAS)
Read More »Baldwin nais isali ang Gilas sa FIBA Olympic Qualifying
DUMATING na kahapon ng tanghali ang Gilas Pilipinas mula sa kampanya nito sa katatapos ng FIBA Asia Championships sa Tsina kung saan natalo ang tropa ni coach Tab Baldwin sa finals kontra sa mga Intsik noong Sabado ng gabi. Dapat sana ay noong Linggo ang pagdating ng Gilas ngunit nagkaroon ng aberya ang return flight ng koponan dahil sa masamang …
Read More »Gilas Mahihirapan sa Olympic Qualifying — Analyst
NANINIWALA ang basketball analyst na si Jude Roque na dadaan sa butas ng karayom ang Gilas Pilipinas sa isa sa tatlong qualifying tournaments para sa tatlong huling puwesto sa 2016 Rio Olympics. Sa panayam ng DZMM noong isang araw, sinabi ni Roque na makakaharap ng mga bata ni coach Tab Baldwin sa mga malalakas na bansa sa basketball sa nasabing …
Read More »Kevin Ferrer Player of the Week (UAAP Season 78)
PATULOY ang gumagandang laro ng pambato ng University of Santo Tomas na si Kevin Ferrer ngayong UAAP Season 78. Noong Miyerkoles ay nagpasiklab si Ferrer nang dalhin niya ang Growling Tigers sa 77-61 na panalo kontra De La Salle University sa Mall of Asia Arena. Nagtala si Ferrer ng 27 puntos para pangunahan ang rally ng UST mula sa 16 …
Read More »Gilas ‘di natibag ang Great Wall
MATIBAY kaya hindi natibag ng Gilas Pilipinas ang Great Wall ng China. Nabigo ang Pilipinas na tumuloy agad sa Rio matapos yumuko sa China, 67-78 sa Finals ng 2015 FIBA Asia Championship for Men sa Changsha, China kamakalawa ng gabi. Nasungkit ng China ang nakatayang tiket sa 2016 Rio Olympics habang naikuwintas sa mga Pinoy cagers ang silver. May isa …
Read More »NAGBUNYI ang National University Pep Squad nang tanghaling kampeon sa UAAP Season 78 Cheerdance Competition ang pangatlong sunod na titulo na ginanap sa full-house crowd na Mall of Asia Arena. (HENRY T. VARGAS)
Read More »Suspensyon ang ipataw at hindi under investigation lang
SIMULA pa lang ng karera noong araw ng Biyernes sa karerahan ng Santa Ana Park sa Naic,Cavite ay nasilip agad si Class A Jockey J.B. Cordova ng mga Board of Stewards. May ginagawa si Jockey Cordova sa ibabaw ng kanyang kabayong Super Charge na pag-aari ni Mr. R.P. Dela Rosa na hindi kanais-nais habang ito’y papalapit sa finish line. Matapos …
Read More »Gilas kikilatisin ang Lebanon
IPAGPAPATULOY ng Gilas Pilipinas ang kanilang angas sa quarterfinals ng 28th International Basketball Federation (FIBA) Asia Championship for Men 2015 sa Changsha Social Work College Gymnasium Dayun sa Changsha City, Hunan Province, China ngayong araw. Haharapin ng Group E No. 1 Gilas ang Lebanon na ranked No. 4 naman sa Group F para malaman kung sino ang sasampa sa semifinals. …
Read More »Bakbakan sa Game 3 ng Lady Eagles vs Bulldogs
UMUUSOK na bakbakan ang inaasahan sa sagupaan sa pagitan ng National University (NU) Bulldogs at Ateneo Lady Eagles sa ikatlong paghaharap ng dalawang koponan sa Shakey’s V-League women’s volleyball championships sa Linggo, Oktubre 4, 2015. Handang-handa umano ang Bulldogs para sungkitin ang kampeonato, pahayag ni NU coach Roger Gorayeb sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate, na …
Read More »Rain or Shine lalaro sa Gitnang Silangan
UMALIS na kahapon ang Rain or Shine patungong Gitnang Silangan para sa ilang mga tune-up na laro bilang paghahanda para sa bagong PBA season na magsisimula sa susunod na buwan. Haharapin ng Elasto Painters ang ilang mga club teams sa Kuwait at Bahrain. Isa sa mga koponan na lalaban sa ROS ay ang Nuwaidrat na dating hinawakan ng assistant coach …
Read More »Gumawa ng “Pabebe Wave” si Jockey Dan L. Camanero sa ibabaw ng kabayong Spectrum na pag-aari ni Mr. Narciso O. Morales bago sumapit ng finish line sa pagsigwada ng 2015 Philracom 2nd Leg Juvenile Fillies/Colts Stakes Race sa pista ng Sta Ana noong Linggo. Nanalo ito ng malayo sa kanyang mga na kalaban. (Freddie M. Mañalac)
Read More »Officiating sa PBA lalong pagbubutihin — Narvasa
SINIGURADO ng bagong komisyuner ng Philippine Basketball Association (PBA) na si Andres “Chito” Narvasa, Jr. na magiging mas maganda ang mga laro dulot ng mga pagbabago sa mga tawag ng mga reperi sa pagbubukas ng ika-41 na season nito sa Oktubre 18. Bumisita si Narvasa sa ensayo ng lahat ng mga 12 na koponan ng PBA kung saan kinausap niya …
Read More »Sana hindi masayang ang talento ni Sumang
HINDI naman siguro kalabisan sa Globalport ang isa pang matindi’t promising na point guard na tulad ni Roi Sumang. Kaya naman kahit na mayroon na silang dalawang mahuusay na point guards sa katauhan nina Gilas Pilipinas 3.0 member Terrence Romeo at 2015 PBA Rookie of the Year Stanley Pringle ay kinuha pa rin ni coach Alfredo Jarencio si Roi Sumang …
Read More »Puso sa team Pilipinas sa Solar Sports ‘Fit to Hit’ beach volley
PANGUNGUNAHAN ng tatlong team ng Pilipinas ang Solar Sports ‘Fit to Hit’ Invitational Beach Volley tournament na gaganapin sa SM Mall of Asia sa susunod na buwan. Ang dalawa sa tatlong team ay kinabibilangan nina Bea Tan at Lindsay Dowd na bumubuo ng unang team at Charo Soriano at Alexa Misec para sa ikalawa. Ang ikatlong team ay ipinoproseso pa …
Read More »Gilas haharap sa Palestine ngayon (2015 FIBA Asia simula na)
SISIMULAN ngayon ng Gilas Pilipinas ang huling hakbang tungo sa pangarap na makatapak muli sa men’s basketball ng Summer Olympic Games sa pagsali nito sa 2015 FIBA Asia Championships na gagawin sa Changsha at Hunan sa Tsina. Tatagal hanggang Oktubre 3 ang torneo kung saan tanging ang kampeon nito ang mabibigyan ng awtomatikong tiket sa 2016 Olympics sa Rio de …
Read More »MASAYANG tinanggap ni Hataw D’yaryo ng Bayan Photojournalist Henry T. Vargas ang tropeo at tseke bilang 2nd place winner kay Philracom Executive Director Mr. Andrew Buencamino kasama si Philracom Deputy Executive Director Miss Eva Bataller sa awarding ng Philippine Racing Commission 2015 George Stribling Memorial Cup Race Photo Contest na may temang “JOCKEYS” na ginanap sa tanggapan ng Philracom sa …
Read More »Rumaratsada ang Mapua Cardinals
NAPAKARAMI kong text messages na natatanggap buhat sa mga kaklase’t kabarkada ko noong ako’y nag-aaral pa sa Mapua Institute of Technology. At karamihan sa kanila ay nagyayaya na manood ng mga laro ng Mapua Cardinals sa kasalukuyang 91st season ng NCAA. Kasi nga’y rumaratsada ang Cardinals at may six-game winning streak. Malaki ang pag-asa ng aming koponan na makarating sa …
Read More »PBA Press Corps awards night ngayon
GAGAWIN mamayang gabi ng PBA Press Corps ang taunang Awards Night nito sa Century Park Hotel sa Vito Cruz, Maynila. Pangungunahan ng pangulo ng PBAPC na si Barry Pascua ng Bandera, Bagong TIKTIK at HATAW ang awards night kung saan magiging espesyal na panauhin ang bagong komisyuner ng PBA na si Andres “Chito” Narvasa, Jr. Dadalo rin sa awards night …
Read More »Shakey’s V League: Ateneo, UST sasalang sa do-or-die game
MAGHAHARAP ngayon ang Ateneo de Manila at University of Santo Tomas sa ikatlo at huling laro sa best-of-three semifinals ng Shakey’s V-League 12 Collegiate Conference sa Filoil Flying V Arena sa San Juan. Magsisimula ang laro sa alas-4 ng hapon kung saan tabla sa tig-isang panalo ang dalawang pamantasan sa serye. Nanalo ang Lady Eagles, 27-25, 25-16, 25-17, sa Game …
Read More »Walang problema ang Hotshots sa big men
KUNG big men rin lang ang pag-uusapan, aba’y parang sobra-sobra ang higante sa line-up ng Star Hotshots! Ito ay bunga ng pangyayaring magbabalik na sa active duty si Ian Sangalang na isang game lang ang nilaro noong nakaraang season at nagtamo ng Anterior Cruciate Ligament (ACL). Kinailangan siyang operahan, magpahinga at mag-rehab. Bukod kay Sangalang, nakuha rin ng Hotshots sa …
Read More »Bingo Bonanza National Badminton Open sisimulan sa Oktubre 11
MAGTATAGISAN ng galing ang pangunahing manlalaro ng badminton sa gaganaping Bingo Bonanza National Badminton Open na sisimulan sa Oktubre 11 sa Rizal Memorial Badminton Center sa Maynila at Glorietta 5 Atrium sa lungsod ng Makati, ayon kay Bingo Bonanza executive vice president Alejandro Alonte. Sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate, ipinaliwanag ni Alonte na layunin ng torneo …
Read More »