Sunday , June 23 2024

Hawkeyes nakaresbak sa PBA D-League (Thunder dumalawang sunod)

BININGI ng Flying V Thunder ang Gamboa Coffee Mix Lovers, 119-105 upang iposte ang kanilang ikalawang su-nod na panalo habang nakabalikwas ang Cignal Hawkeyes mula sa unang talo sa pagbaon nila sa Zark’s Jawbreakers, 107-69 sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup Ynares Sports Arena sa Pasig City kahapon.

Sinundan ni Jeron Teng ang kanyang pagputok sa 33 puntos kontra Cignal noong nakaraang linggo ng mas matinding 35 puntos upang pangunahan ang atake ng Flying V at solohin ang lide-rato sa liga sa 2-0 kartada.

Sumuporta sa kanya si Eric Salamat at Gab Banal sa kanilang 20 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Tanging si Val Acuna lamang sa kanyang 22 puntos ang nakapagpasiklab para sa Gamboa na nahulog sa 1-1 ang kartada.

Samantala, kagagaling lamang sa masaklap na 84-86 pagkatalo sa Flying V noong opening day, ibina-ling ng Hawkeyes ang kanilang ngitngit sa Zark’s nang iwan agad nila sa halftime pa lamang, 46-25. Hindi na nilingon pa ng Hawkeyes ang Jawbreakers buhat noong rekta sa kanilang unang panalo sa liga.

Umangat sila sa 1-1 kartada ang Cignal habang lagpak sa 0-2 ang Zark’s na natalo rin sa Gamboa sa opening day noong nakaraang linggo.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

VINNY Marcos Volleyball FIVB men’s worlds

Vinny Marcos nanguna sa ceremonial launch ng 2025 FIVB men’s worlds

IPINAKITA ng anak ng Pangulo na si William Vincent “Vinny” Araneta Marcos ang pagmamalaki at …

Brazil nanaig vs Netherlands sa VNL Week 3

Brazil nanaig vs Netherlands sa VNL Week 3

PASAY CITY – Bumangon ang Brazil mula sa first-set loss para talunin ang Netherlands sa …

Team Seirin JCI Senate Lipa Open Rapid chess

Team Seirin dinala ni Cu sa tagumpay

Lipa City, Batangas — Nanguna ang Team Seirin sa open division ng JCI Senate Lipa …

Eric Buhain Anthony Reyes PAI

Hikayat ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI):
HOMEGROWN SWIMMERS, PINOYS ABROAD MAGPATALA, LUMAHOK SA NATIONAL TRIALS

HINIKAYAT ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang lahat ng mga homegrown swimmers at Filipino na …

philracom

2024 Philracom 2nd leg Triple Crown Stakes sa Father’s Day 

MANILA — Inihayag kahapon ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ang 2nd Leg Triple Crown Stakes …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *