Monday , October 2 2023

Salvador bagong puwersa ng Flying V

NAGBABALIK sa basketball ang dating manlalaro sa PBA na si Jondan Salvador at sa pagkakataong ito ay para tulungan ang Flying V Thunder  sa  kanilang  kampanya sa PBA D-League Foundation Cup.

Matagal na naglaro si Salvador para sa Purefoods Chunkee Giants sa PBA mula 2005 kung kailan napili siya bilang 4th overall pick hanggang 2011. Naglaro rin siya para sa Air 21, Barako Bull, Powerade at Globalport.

Noong 2015 huling naglaro ang 36-anyos na produkto ng College of Saint Benilde.

Nakatakda niyang lalo pang patatagin ang ilalim ng Flying V na mayroon nang Hans  Thiele  at Gab Banal upang paigtingin pa ang kanilang kampanya na kasalukuyang nasa 2-0 at sa ibabaw ng liga.

Makakasama ni Salvador si Teng, na siyang panguna-hing kamador ng Thunder ngayon matapos ang 35 at 33 puntos na pagputok sa unang dalawang panalo nila.

Nanood si Salvador kahapon sa laban ng Flying V at Gamboa at inaasa-hang maglalaro na sa 13 Hunyo kontra Wangs Basketball.

Kung sakaling maibalik and kondisyon at game shape, umaasa si Salvador na magkakaroon siya ng PBA comeback. (JBU)

About John Bryan Ulanday

Check Also

BUBOY Chess

Kuya Buboy Abalos chessfest tutulak sa 8 Oktubre 2023

MAYNILA — Tutulak ang Kuya Buboy Abalos Limbas Mandaragit Eagles Club Chess Tournament 2023 sa …

Philippine ROTC Games Luzon Leg

Philippine ROTC Games Luzon Leg simula na

TAGAYTAY CITY— Pinangunahan ni Senator Francis “Tol” Tolentino ang matagumpay na pagbubukas ng Philippine ROTC …

Emi Cup Pro-Am golf

Emi Cup Pro-Am golf papalo sa Sept. 21-22

KABUUANG 285 golfers, kabilang ang mahigit 100 professional golfers mula sa Professional Golfers Association of …

Daniel Fernando Singkaban Football Festival Bulacan

Ika-2 Singkaban Football Festival humataw sa Bulacan

SA ikalawang pagkakataon, muling nagsaya sa paglalaro ang mga Bulakenyong manlalaro ng football na may edad na …

Jose Efren Bagamasbad Martin Binky Gaticales Angelo Abundo Young Henry Roger Lopez

Int’l Master Angelo Abundo Young naghari sa Grandparents Day Celebration Open Rapid Chess Tournament

Final Standings and tournament payouts: (7 Round Swiss System, 15 minutes plus 5 seconds increment …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *