Monday , March 27 2023

Cavs babawi sa game 2

SISIKAPIN ng defending champion Cleveland Cavaliers na makabawi sa Game 2 sa finals ng 2016-17 National Basketball Association, (NBA) ngayong araw upang hindi mabaon sa serye.

Pero  pihadong mahihirapan ang Cavaliers dahil sa lugar pa rin ng Golden State Warriors ang labanan.

Hawak ng Warriors ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-seven series, puntirya nila na ikasa ang 2-0 para lumapit sa asam nilang titulo.

Silang dalawa rin ang naglaban sa NBA finals nung nakaraang taon at masaklap ang pagkatalo ng GSW dahil nalusaw ang 3-1 bentahe nila matapos silang ratratin ni basketball superstar LeBron James at  Cavaliers ng tatlong beses.

Ayon sa mga NBA analysts mas magiging mainit ang bakbakan sa Game 2 dahil inaasahan nilang magiging pisikal ang labanan.

“I think Tristan (Thompson) will come out in Game 2 and be a lot more assertive and just use his will to get rebounds on both sides of the ball,” saad ni Cavaliers star Kevin Love. “He’s so capable and so good at doing that, no matter who we’re playing, against any team in the league.”

Liyamado ang Warriors pero nasa Cleveland ang pinakamagaling na player ngayon sa buong mundo sa katauhan ni four-time MVP James kaya paniguradong kapana-panabik ang banatan a Game 2.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply