Wednesday , June 18 2025

7-panalo hinataw ng kuwadra ni Atty. Morales

SINAGPANG  ng  kuwadra ni Atty. Narciso O. Morales ang limang sunod na panalo nung nagdaang weekend na pakarera sa pista  ng Metro Turf sa Malvar, Batangas. Iyan ay ang mga kabayong sina Honeywersmypants ni Kelvin Abobo, Mandolin at Hook’s Princess na parehong nirendahan ni Jerico Serrano, Pampangueño ni Tanya Navarosa at Taipan One ni Yson Bautista.

Maraming nasorpresang mga karerista sa resulta ng unang limang karerang iyan dahil napanood nila ang bagsik at hataw ng mga alaga ni Atty. Morales, na talaga namang kondisyon na kondisyon habang inaayudahan ay mayroong inilalabas na lakas.

Nakitaan  ang longshot entry nila na si Wizka sa Race 6 na dinala ni apprentice jockey Mhon Garcia, na humataw kaagad sa bandera  at halos sa huling 200 metro na lamang nadikitan at nalagpasan ng kanyang mga nakalaban.

Sa kasunod na takbuhan ay may kalakasan pa ang laban na nasalihan ng kanilang mga alaga na sina Kiss Me at She Can Dance, na parehong naghahanap pa ng tamang pagkakataon o grupo. Magkagayon pa man ay nabigyang batak naman silang dalawa at oras na marating na nila ang hinahanap na grupo o laban ay preparado na sila.

Hindi doon natapos ang pagpapanalo ng kuwadra ni Atty. Morales dahil sa Race 8  ay nakapitas ulit  sila ng panalo sa kabayong si Ultimate Royal na mahusay na narendahan ni apprentice rider Mike De Ocampo, dahil sa diskarteng isunod lang at hindi isinabay sa ayre nung mga banderista rin. Pagdating sa kalagitnaan ng distansiya ay dun pa lamang hiningan ni Mike at nagtuloy-tuloy naman na nagresponde si kabayo, kaya kahit malakas na rumemate ang kalaban nilang si Batas Kamao ni Totoy Cabbarios Jr. ay nasa ligtas na distansiya na si Ultimate Royal upang masungkit nila ang ikaanim na panalo.

Sa ikasiyam na karera ay walang nakuhang puwesto  ang coupled runners ni Atty. Morales na sina Ungkaw ni Jeff Zarate at Warlock ni Jerico Serrano, pero pagdating sa kasunod na laban ay muli na namang nagpanalo ang buwenas na kuwadra sa kabayo nilang si Tellmamailbelate na bumanderang-tapos  sa kamay ni apprentice rider Dave Santiago at diyan nila nasungkit ang ikapitong panalo nung Linggo.

At sa pinakahuling kalahok na naisali na bagama’t isa sa mga longshot entries para  sa isang maiden na grupo sa mga kalalaking mananakbo na 3YO ay nagpakita rin ng gilas sa pagbandera ang bago nilang alaga na si Talldarknhandsome na sinakyan ni Jerico Serrano.

Matindi ang buwenas na kumapit sa kuwadra ni Atty Morales na kahit dehado ay nagpakita ng bagsik sa laban.  At dahil doon ay isang saludo ang ipinararating natin sa  lahat ng bumubuo sa kuwadra ni Atty. Narciso Morales. Congrats sir.

REKTA’s GUIDE (Sta. Ana Park/6:30PM) :

Race-1 : (1) Smokin Saturday, (5) Hiway One.

Race-2 : (7) Cerveza Rosas, (3) Mysterious Sound/Faithful Wife.

Race-3 : (1) Street Don, (7) Melody’s Diamond.

Race-4 : (7) Yes Kitty, (2) Buenasnocheseñores, (3) Royal Reign.

Race-5 : (5) Batang Arrastre, (2) Rocking Hill, (6) Stark/Hook And Rules.

Race-6 : (3) Mia’s Star, (5) Kid Solis, (7) Amazing Cole.

Race-7 : (6) Quitek Willy, (7) Desperado.

Race-8 : (2) SPECIAL FORCES.

REKTA – Fred L. Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fred Magno

Check Also

Pilak sa Hanoi, patunay ng maliwanag na hinaharap ng PH Volleyball

Pilak sa Hanoi, patunay ng maliwanag na hinaharap ng PH Volleyball

ISANG KOPONANG binubuo ng mahuhusay at dedikadong mga manlalaro, isang matiyaga at matatag na coach …

Espejo kumamada ng 31 puntos, Alas Pilipinas wagi kontra Thailand, winalis ang Invitationals

Espejo kumamada ng 31 puntos, Alas Pilipinas wagi kontra Thailand, winalis ang Invitationals

BUMIDA si Marck Espejo sa kanyang 31 puntos para sa Alas Pilipinas na nakalusot sa …

Bella Belen Alas Pilipinas AVC Womens Volleyball Nations Cup

Sa AVC Women’s Volleyball Nations Cup sa Hanoi, Vietnam
Alas Pilipinas (Women’s) ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan sa panalo kontra Kazakhstan

TINALO ng Alas Pilipinas ang mas mataas na ranggong koponan ng Kazakhstan, 25-21, 25-15, 25-19, …

AVC Womens Volleyball Nations Cup

Alas Pilipinas wagi laban sa New Zealand

ALAS PILIPINAS ay wagi kontra New Zealand, 25-17, 25-21, 25-18, upang manatiling buhay ang pag-asa …

Bad Boy MJ Raffy entry solo champ ng 2025 World Slasher Cup 2

Bad Boy MJ Raffy entry solo champ ng 2025 World Slasher Cup 2

NASUNGKIT nina Raffy Turingan at Joegrey Gonsalez (Bad Boy MJ Raffy entry) ang kampeonato ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *